05/12/2025
NATIONAL FLYOVER PROJECT SA PAMPANGA INILATAG SA RDC III; β±11B HALAGA APRUBADO NA
SAN FERNANDO, PAMPANGA β Inilahad at pormal na inendorso sa Regional Development Council (RDC) III ang Lasatine Flyover Project o San Fernando Bioduct, isang pangunahing imprastrukturang nagkakahalaga ng β±11 bilyon, sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa pamumuno ni Zambales Governor Hermogenes βJunβ Ebdane Jr. bilang Chairman ng RDC III.
Ayon sa presentasyon ng DPWH, papalitan ng proyekto ang magkahiwalay na Lasatine at Dolores flyovers upang maging isang tuluy-tuloy na four-lane flyover na may habang 1.6 kilometro. Layunin nitong mapagaan ang daloy ng trapiko sa JASA (Jose Abad Santos Avenue), Manila North Road, at Lasatine Boulevard. Ang pondo ay magmumula sa pamahalaan ng French Republic at sa counterpart ng Pilipinas, sa ilalim ng Accelerated Bridge Construction (ABC) Program ng DPWH.
Sa pagdinig, binigyang-diin ni Gov. Ebdane ang pangangailangan ng masusing koordinasyon, partikular sa right-of-way (ROW) na sasaklaw sa 14 na lote (9,591 sqm) at 121 istruktura (22,796.64 sqm). May inilaan ding humigit-kumulang β±700 milyon para sa ROW at relokasyon ng mga poste.
Kabilang sa mga pangunahing alalahanin ng konseho ang:
1. Pagkakasalimuot ng trapiko, lalo naβt kasabay ang NorthβSouth Commuter Railway at mga proyekto ng DOTr.
2. Pagkakasabay-sabay na konstruksyon, dahil mayroon pang mga umiiral na proyekto ng DPWH sa koridor.
3. Epekto sa komunidad, kung kaya hiniling ang mas detalyadong traffic management at koordinasyon sa LGU at iba pang ahensya.
Inatasan ng RDC III ang DPWH na magsumite ng karagdagang ulat kaugnay ng ROW management at komprehensibong plano para sa koordinasyon bago ang aktuwal na pagpapatupad ng proyekto. Iginiit din ng konseho ang pangangailangan ng maingat na integration ng lahat ng proyekto upang maiwasan ang pangmatagalang disrupsiyon sa trapiko at lokal na ekonomiya.
Matapos ang pag-endorso, sinabi ni Gov. Ebdane na inaasahan na ang mas detalyadong planning phase at paghahanda ng DPWH, kalakip ang mabilis na pagresolba sa mga isyung may kaugnayan sa ROW at koordinasyon upang masimulan ang konstruksyon.