Kaye Malana

Kaye Malana Click more pictures. Create more memories. ๐Ÿ˜Œ

09/03/2026

"Gusto kong mawala"

May mga araw na gusto kong mawala,
Maglaho na lamang na parang bula.
Gusto kong lumayo nang walang pasabi,
Tahimik na lilisan nang walang saksi.

Ayaw kong magpaalam,
Ayaw kong may makaalam.
Gusto kong humakbang nang walang ingay,
Batid ko namang walang naghihintay.

Tahimik kong ihahakbang ang aking mga paa,
Pinto ay bubuksan at walang tunog na isasara.
Hindi na muling lilingon,
Titiyaking buo ang aking desisyon.

Gusto ko muna sanang mawala,
Magtungo sa lugar na sadyang payapa.
Sa lugar na walang makakakita,
Sa lugar kung saan ako ay malaya.

โ€”iampeterpen

Artwork from pinterest.

//

TikTok: [ www.tiktok.com/ ]
Instagram: [ instagram.com/iampeterpen ]

01/03/2026
โ˜น๏ธ
17/02/2026

โ˜น๏ธ

Kapag pagod na pagod na ako sa mundong laging may hinihingi, kapag pakiramdam ko kulang pa rin kahit ibigay ko na lahat, isang ngiti lang niya parang may nagsasabing, โ€œsapat ka na.โ€

Hindi niya alam na sa tuwing nakikita ko siyang ngumiti dahil sa maliit kong tagumpay, parang nabubura ang lahat ng pagdududa ko sa sarili.

Doon ko napagtanto na โ€˜yung ngiti ni Mama hindi lang basta ngiti โ€™yon, lakas ko iyon.

Dahil sa mundong nakakapanghina ng loob, siya ang paalala na may isang taong naniniwala kahit ako mismo minsan hindi na.

Kaya naman kung may araw mang gusto ko nang sumuko, basta ko lang aalalahanin kung paano siya ngumiti, at sapat na iyon para lumaban ulit.

Ma. ๐Ÿฅน
06/02/2026

Ma. ๐Ÿฅน

Baka pwede kang mahiram sa langit, para lang may magsabi sa akin na ayos lang mapagod, na hindi kabawasan ang huminto sandali, na hindi kasalanan ang mangulila.

Hindi kita kukunin. Ibabalik din kita agad. Gusto ko lang marinig ulit
kung paano mo bigkasin ang pangalan ko na parang may kasiguraduhan na magiging maayos din ang lahat.

Baka pwede kang mahiram sa langit, magsusumbong lang ako kahit saglit, tapos babalik na rin akong mag-isa, para kahit papaano maibsan ang pakiramdam kong wala ka na.

11/01/2026

As if wala lang.

17/11/2025
23/10/2025

๐Ÿ’• ๐Ÿญ. ๐—˜๐˜… ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ถ๐˜€? ๐—ก๐—ผ ๐—ง๐—ผ๐˜‚๐—ฐ๐—ต!
Kung ex ng kaibigan mo, especially kung serious relationship sila, automatic bawal. No matter how "okay na sila" or "matagal na โ€˜yon," respect pa rin.

๐Ÿ’Œ ๐Ÿฎ. ๐—ž๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ท๐—ผ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ, '๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป.
Kahit pa "close lang kami" or "wala naman akong balak," Pamangkim, intentions donโ€™t matter if the lines are blurred. Donโ€™t be the reason a good relationship gets ruined.

๐Ÿšฉ ๐Ÿฏ. ๐——๐—ผ๐—ปโ€™๐˜ ๐—ณ๐—น๐—ถ๐—ฟ๐˜ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐—บ๐—ฎ๐—ป. ๐—ž๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐˜ ๐—ฏ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด.
Yung mga โ€œHi Bes!โ€ na may touch-touch at pa-cute? Bawal. Kahit pa โ€œopen-mindedโ€ sila --wag kang magpakalunod sa gray areas.

In short? ๐—š๐—ถ๐—ฟ๐—น๐˜€ ๐—–๐—ผ๐—ฑ๐—ฒ = ๐—Ÿ๐—ผ๐˜†๐—ฎ๐—น๐˜๐˜†, ๐—ฒ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ต๐˜†, ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ฐ๐˜.

Kapag babae ang babae sa kapwa babae --panalo tayong lahat๐Ÿ‘‘๐Ÿ’–

Address

Ilagan

Telephone

+639066773393

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kaye Malana posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share