01/06/2026
To anyone who’s scared to start because of “what if walang mag-avail?” — post it, share it, and trust the process. You never know who needs what you have to offer. 💕
“What if walang mag-avail?”
Hindi ko mabilang kung ilang beses ko itong naisip bago mag-post, bago mag-offer, at bago mag-share ng ginagawa ko.
Yung kaba na baka walang pumansin.
Yung takot na baka walang magtiwala.
Yung tanong na, “Worth it pa ba?”
Pero natutunan ko na hindi ko kailangang hintayin ang maraming tao para masabing may bunga ang effort ko.
Kasi sa bawat order, inquiry, o taong sumusuporta—paalala iyon na may nakakita, may naniwala, at may na-bless sa simpleng ginagawa ko. ❤️
At sa totoo lang, hindi naman pala “walang mag-aavail.”
Minsan, ang tanong ay “Magtitiwala ba ako kahit hindi ko pa nakikita ang resulta?”
Thank You, Lord. Akala ko wala, pero meron pala. ❤️✨