04/06/2026
Taos pusong pasasalamat po sating Isabela State University Ilagan Campus students, na nag outreach kasama ang kanilang adviser na si ma’am Marines Zilabo. Ito ay nagbigay pag-asa saming mga learners, at Juli maraming salamat and God bless.
Nagkaroon ng koordinasyon sa ngalan ni Bb. Marines Kay G. Geremi nang May 30, 2026 7:30pm. Ipinaalam ni ma’am Marines Zilabo ng Isabela State University-Ilagan Campus, na balak nilang mag outreach sa naturang paaralan, ngunit ito ay tentatibo pa lamang.
Ng mapinal na ito ay muling nag pm si Bb. Marines Kay G. Geremi ng Hunyo 2, 2026, 8:34 am at nakompirmang tuloy na ang outreach program sa paaralan ng kanyang naturang estudyante at ito ay sa Hunyo 4, 2026.
Ito ay nagresulta sa pagbibigay impormasyon ng ginoo sa admin at kapwa faculty upang magpinal ang listahan ng mga tatanggap ng school supplies mulasa organisyon na siyang iniforward ng ginoo kay Bb. Marines.
Ang mga nstp students na sumama sa outreach ay nag ambagan para sa school supplies na may kasamang mga snacks na ipinamahagi sa 25 bata.
Liban sa pamamahagi ay nagkaroon din ng palaro para sa mga bata na may prices, at zumba bilang energizer.
Inaasahan na muling magkakaroon ng programa ang pangkat sa Disyembre na siyang pinaplano at isasama sa MOA.