12/09/2026
🌊 UPDATE SA BAHA SA SAN SIMON, PAMPANGA
SAN SIMON, PAMPANGA — Ayon sa update ni Loloy Jr. Martizano ngayong Sabado, Setyembre 12, 2026, bahagyang bumaba ang tubig sa Quezon Road, partikular sa bahagi ng Global Plaza, Global Aseana Business Park 1, McDonald’s at LTO.
Gayunman, mabagal pa rin ang pagbaba ng tubig at halos wala pang malaking pagbabago kumpara kahapon.
Patuloy na pinapayuhan ang mga motorista at residente na mag-ingat, lalo na sa mga bahaging may baha at posibleng maging mahirap ang pagdaan.
📹 Video/Update: Loloy Jr. Martizano