15/05/2026
Tahimik lang ako nitong mga nakaraan tungkol sa issue ng mga content creator dito sa Taiwan tungkol sa pagpo-promote. Pero habang binabasa ko mga post online, napaisip ako… buti na lang malakas loob ko bilang small content creator dito s TAIWAN. 😭😂
Dati simpleng upload-upload lang ako ng mga lugar na napupuntahan ko.
Hanggang sa unti-unting dumami followers ko.
Minsan nga pag pumapasok ako sa work, feeling ko nasa celebrity entrance ako. 🤣
May mga café at restaurants na rin na gustong kunin ako para gumawa ng content.
Pag nagpo-post ako ng pagkain na binilhan ko
Feeling ko talaga influencer era ko na. 😭😂
Pero habang tumatagal, umiinit lalo yung issue tungkol sa mga pinapatawag sa labor office dahil sa promotion.
Kaya kahit kalmado ako sa labas, sa loob-loob ko kabado na rin ako. 🤣
Hanggang isang araw, may natanggap akong text.
‘Please report to the labor office tomorrow.’
Pagkabasa ko, parang nanlamig buong katawan ko.
Napatingin ako sa cellphone ko…
napatingin din ako sa ring light ko na parang gusto ko na itapon.
Buong gabi akong di mapakali.
Iniisip ko na agad paano ako magpapaliwanag.
Pati draft ng apology speech ginawa ko na sa utak ko. 🤣
Kinabukasan, habang papunta ako sa labor office, sobrang seryoso ng mukha ko.
Feeling ko may background music pa habang naglalakad ako sa sidewalk at kinakabahan na.
Pagdating ko sa tapat ng building, may narinig akong malakas na busina.
Bigla akong napamulat.Yon pla alarm clock ng cp ko .
Nasa k**a pa pala ako. 😭🤣
Panaginip lang pala lahat.
Pag-check ko ng cellphone ko…
wala pala akong sponsors.
Hindi rin pala ako famous content creator sa Taiwan.
Yung latest upload ko…
2 reacts lang.
Isa pa doon “care react” ng anak ko.
" Aray ko 🫣 "