Batang Tekniko

Batang Tekniko Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus sa Filipino ng ISAT Uโ€“Laboratory School

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Ikalawang Araw ng Ika-121 University WeekMay mga pagdiriwang na hindi lamang tungkol sa saya, kundi sa mga kuw...
10/09/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Ikalawang Araw ng Ika-121 University Week

May mga pagdiriwang na hindi lamang tungkol sa saya, kundi sa mga kuwentong nabubuo habang tayo ay sama-samang nakikibahagi. Sa pagpapatuloy ng 121st University Week ng Iloilo Science and Technology University, muling naging makulay ang bawat sulok ng pamantasan dahil sa sigla at pagkakaisa ng mga kalahok at mag-aaral!

Sa ikalawang araw, mas naging buhay ang selebrasyon sa pamamagitan ng ibaโ€™t ibang gawain na nagtipon sa mga mag-aaral, g**o, at buong pamayanang ISAT U. Sa bawat paligsahan, tawanan, at pakikipag-ugnayan, nabuo ang mga sandaling higit pa sa isang karaniwang araw sa paaralan.

Habang patuloy nating ipinagdiriwang ang ika-121 taon ng ISAT U, hindi lamang ang mahabang kasaysayan ng pamantasan ang ating binibigyang-halaga, kundi pati ang mga taong patuloy na nagbibigay-kulay rito. Sa bawat araw, may bagong alaalaโ€”sa bawat alaala, may kuwentong mananatili! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

Larawan ni: Renzy Marie Silla
Layout ni: Yshe Gabrielle Zaulda
Salita ni: Jude Kristoff Bayo-ang

TIGNAN | ISAT U at 121: A Legacy of Knowledge, Service, Innovation, and SustainabilityIsang makabuluhang pagdiriwang ng ...
09/09/2026

TIGNAN | ISAT U at 121: A Legacy of Knowledge, Service, Innovation, and Sustainability

Isang makabuluhang pagdiriwang ng 121 taon ng kahusayan, at serbisyo! Sa loob ng mahigit isang siglo patuloy na hinuhubog ng Iloilo Science and Technology University ang mga kabataang may kaalaman, kasanayan, at mga kabataang nangangarap.

Mula sa mga pangarap hanggang sa tagumpay, patuloy na nagbibigay liwanag ang ISAT U sa landas ng kaalaman, at inobasyon.

Ngayong ika-121 na taon ng ISAT U, sama-sama nating ipagdiriwang ang ating nakaraan, ipagmalaki ang ating kasalukuyan, at salubungin ang kinabukasang ating sama-samang buuin.

Larawan ni: Kirsteen Sarita
Layout ni: Kelly Villaruz
Salita ni: Alleiah Suobiron

๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ ๐’๐ˆ๐‘ ๐‹๐Ž!Maligayang pagbati sa ating mahal na Principal, Sir John Lorence D. Camacho, sa pagtanggap ng iyong Loyal...
09/09/2026

๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ ๐’๐ˆ๐‘ ๐‹๐Ž!

Maligayang pagbati sa ating mahal na Principal, Sir John Lorence D. Camacho, sa pagtanggap ng iyong Loyalty Award para sa 10 Taon ng Tapat na Serbisyo sa ISAT U Laboratory School!

Isang malaking karangalan para sa buong komunidad na magkaroon ng isang pinuno na hindi lang nagsisilbing gabay sa paaralan at institusyon, kundi tumatayo ring tunay na TATAY ng Labskul. Maraming salamat sa isang dekada ng pagprotekta, pag-alaga, at pagiging sandigan ng bawat Laboratorian.

Napakaswerte namin sa iyong dedikasyon at pagmamahal. Congratulations, Sir Camacho! Isang mataas na pagpupudo at pagsaludo sa iyong 10 taong serbisyo! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐€๐‘๐€๐–๐€๐ ๐’๐€ ๐†๐–๐€๐๐ˆ๐“๐Ž ๐“๐€๐†๐€๐๐€๐Œ๐”๐๐Ž ๐๐† ๐๐‘๐Ž๐€๐ƒ๐‚๐€๐’๐“๐ˆ๐๐† ๐„๐๐†๐‹๐ˆ๐’๐‡, ๐‰๐„๐ˆ๐๐‘๐‡๐„๐ˆ!Isang pagbati sa iyong espesyal na kaarawan ...
07/09/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐€๐‘๐€๐–๐€๐ ๐’๐€ ๐†๐–๐€๐๐ˆ๐“๐Ž ๐“๐€๐†๐€๐๐€๐Œ๐”๐๐Ž ๐๐† ๐๐‘๐Ž๐€๐ƒ๐‚๐€๐’๐“๐ˆ๐๐† ๐„๐๐†๐‹๐ˆ๐’๐‡, ๐‰๐„๐ˆ๐๐‘๐‡๐„๐ˆ!

Isang pagbati sa iyong espesyal na kaarawan sanay patuloy pang mag-alab ang iyong pagmamahal sa samahan lalo na sa broadcasting team. Lagi mo nawang tandaan na ipinagmamalaki ka ng pamilyang BTEK at sa araw mong ito lubos ang aming pasasalamat sa iyo.

Panalangin namin ang tagumpay mo at ng iyong grupo. Mabuhay ka hanggat gusto mo boi!

Maligayang Kaarawan, RJ!

| Batang Tekniko

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ORYENTASYON PARA SA DSPC 2026Noong ika-3 ng Setyembre 2026, isinagawa ang oryentasyon bilang paghahanda para s...
06/09/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ORYENTASYON PARA SA DSPC 2026

Noong ika-3 ng Setyembre 2026, isinagawa ang oryentasyon bilang paghahanda para sa nalalapit na District Schools Press Conference (DSPC). Tinakay sa nasabing oryentasyon ang mga mahahalagang paalala, at gabay. Ang oryentasyong ito ay nag silbing mahalagang layunin upang matulungan silang maging handa sa nararating na patimpalak, gayundin ang maayos na pagpili at paghahanda ng mga kalahok para sa bawat kategorya.

| BTEK Alleiah

06/09/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Sama-samang ipinagdiwang ng Paaralang Laboratoryo ang Buwan ng Wikang Pambansa 2026 sa Iloilo Science and Technology University (ISAT U) Gym noong Agosto 27, 2026.

Sa pangunguna ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino o SAMAGFIL isinagawa ang pagdiriwang na may temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

Bilang pakikiisa sa taon-taong pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, binigyang-pugay ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang mahalagang bahagi ng pagkatao, kultura, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.

Sa pamamagitan ng ibaโ€™t ibang gawain at aktibidad, naipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang pagpapahalaga sa sariling wikaโ€”isang wikang nagsisilbing tulay sa pagpapahayag ng mga saloobin, pagbabahagi ng mga kuwento, at patuloy na pag-iingat at pagpapayabong ng kulturang Pilipino.

Ipinapaalala ng pagdiriwang na ang wikang Filipino ay hindi lamang isang paraan sa komunikasyon, kundi isang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan, pagiging isang ganap na Pilipino, at pamana bilang isang lahi.

Sa bawat salitang ginagamit at pinahahalagahan, patuloy na nabubuhay ang diwa ng pagiging Pilipino. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

I BTEK Lakeisha

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐€๐‘๐€๐–๐€๐ ๐’๐€ ๐“๐€๐†๐€๐๐€๐Œ๐”๐๐Ž ๐’๐€ ๐ƒ๐ˆ๐†๐ˆ๐“๐€๐‹ ๐‹๐€๐˜-๐Ž๐”๐“๐ˆ๐๐†, ๐˜๐’๐‡๐„!Buong-pusong ipinapaabot ng buong pamilya ng Batang Teknik...
05/09/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐€๐‘๐€๐–๐€๐ ๐’๐€ ๐“๐€๐†๐€๐๐€๐Œ๐”๐๐Ž ๐’๐€ ๐ƒ๐ˆ๐†๐ˆ๐“๐€๐‹ ๐‹๐€๐˜-๐Ž๐”๐“๐ˆ๐๐†, ๐˜๐’๐‡๐„!

Buong-pusong ipinapaabot ng buong pamilya ng Batang Tekniko ang taos-pusong pagbati kay Yshe sa pagdiriwang ng kaarawan. Nawaโ€™y maging magsilbing pagkakataon upang higit pang linangin ang kaniyang kakayahan, kaalaman, at pagkatao.

Hangad namin ang patuloy niyang pag-unlad at tagumpay sa bawat landas na kaniyang tatahakin. Nawaโ€™y maging sandigan niya ang mga aral mula sa bawat karanasan, lakas ng loob sa pagharap sa mga hamon, at determinasyon sa pagtupad sa kaniyang mga mithiin.

Maligayang Kaarawan, Yshe!

| Batang Tekniko

๐๐š๐ญ๐š๐ง๐  ๐“๐ž๐ค๐ง๐ข๐ค๐จ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐›๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ก๐š Nakiisa ang mga Batang Tekniko sa makabuluhang Leadership Development Prog...
01/09/2026

๐๐š๐ญ๐š๐ง๐  ๐“๐ž๐ค๐ง๐ข๐ค๐จ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐›๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ก๐š

Nakiisa ang mga Batang Tekniko sa makabuluhang Leadership Development Program, isang programa na nagbigay sa kanila ng pagkakataong matuto at malinang ang aming kakayahan bilang mga kabataang maaaring manguna sa hinaharap.

Sa kanilang paglalakbay, natutuhan nila ang kahalagahan ng katatagan at integridad. May mga pagkakataong nakaranas sila ng mga hamon, kasabay na rito ang mga hindi inaasahang problema. Ngunit sa bawat daan na dinaanan nila, may aral na naghihintay na matuklasan. Natutunan nila na ang bawat lider ay hindi umiiwas sa mga paghihirap; sa halip, hinaharap nila ito ng buong puso at naghahanap ng solusyon.

Ang programang ito ay hindi lamang nakatulong sa kanila bilang mag-aaral, kundi nakatulong rin ito sa paghanda sa kanila para sa mga hamon na maaari nilang harapin sa hinaharap.

Maraming salamat, A.P.EX 2026!

|Batang Tekniko

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Mga Opisyales at Miyembro ng ISAT U YWCA Club, Nakiisa sa Ika-74 na Anibersaryo at Basic Leadership Training n...
30/08/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Mga Opisyales at Miyembro ng ISAT U YWCA Club, Nakiisa sa Ika-74 na Anibersaryo at Basic Leadership Training ng YWCA Iloilo

Sa layuning mas maipagpatuloy ang paghubog sa kakayahan at pamumuno ng kabataang kababaihan sa gitna ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya, aktibong nakiisa ang mga opisyal at kasapi ng ISAT U YWCA Club sa ginanap na Basic Leadership Training (BLT) kamakailan.

Naging venue ng makabuluhang pagtitipon ang Carloโ€™s Bakeshop & Cafe na matatagpuan sa Brgy. Dungon, Jaro, Iloilo City, kung saan nagsama-sama ang mga lider-kabataan at miyembro ng organisasyon mula sa iba't ibang panig ng lalawigan.

Ang naturang pagsasanay ay inorganisa ng YWCA of the Philippines, Inc. (YWCA National Office) sa pamamagitan ng National Leadership Training Committee, sa pakikipagtulungan ng YWCA of Iloilo City at YWCA of Sta. Barbara.

Mataas ang naging antas ng partisipasyon ng mga miyembro mula sa ISAT U YWCA Club kung saan aktibo silang sumali sa mga talakayan, workshop, at mga pagsasanay na naglalayong linangin ang kanilang kahandaan bilang mga susunod na lider ng lipunan.

Bukod sa pagsasanay sa pamumuno, pinalamutian din ng ISAT U YWCA Club ang programa sa pamamagitan ng paghahandog ng isang natatanging dance number na nagbigay ng sigla at kasiyahan sa lahat ng mga dumalo sa bulwagan.

Ginamit din ang pagkakataong ito upang idaos ang makaysayang Induction, Installation, at Turn-Over Ceremonies ng mga bagong opisyal, Board of Directors, at pangkalahatang kasapi ng YWCA Iloilo.

Tampok sa buong pagdiriwang ang pag-alala sa ika-74 na Anibersaryo ng YWCA Iloilo na may temang "Iloilo YWCA United in Purpose: 74 Years of Strength and Solidarity to the Age of AI," na nagbibigay-diin sa matatag na pundasyon ng samahan sa harap ng modernong panahon.

Naging gabay at buong-pusong sumuporta sa buong durasyon ng aktibidad ang mga tagapayo ng ISAT U YWCA Club na sina Maโ€™am Danica Arido at Maโ€™am Sheryl Pacardo, na patuloy na nagpapakita ng dedikasyon sa paggabay sa mga mag-aaral.

| Batang Tekniko

Larawan | Maโ€™an Sheryl Pacardo
YWCA Iloilo

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Elijah Clarito ng ISAT U, Nag-uwi ng Ginto sa 2nd Iloilo City Charter Day Pencak Silat TournamentILOILO CITY โ€”...
30/08/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Elijah Clarito ng ISAT U, Nag-uwi ng Ginto sa 2nd Iloilo City Charter Day Pencak Silat Tournament

ILOILO CITY โ€” Nagpakita ng husay at matinding disiplina ang kinatawan ng Iloilo Science and Technology University (ISAT U) Laboratory School na si Elijah D. Clarito matapos masungkit ang gintong medalya sa katatapos lamang na 2nd Iloilo City Charter Day Pencak Silat Inter-School Championships.

Ginanap ang naturang palaro mula Agosto 29 hanggang 30, 2026 sa SM Iloilo Terminal Market, kung saan nagtipon-tipon ang iba't ibang kabataang atleta mula sa mga paaralan sa lungsod upang magpaligsahan sa larangan ng Pencak Silat.

| Batang Tekniko

Address

Iloilo City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batang Tekniko posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Batang Tekniko:

Shortcuts

Share

Category