15/08/2025
πππππͺππ‘π πππ π£ππππ‘π πππππ§ππ‘, π ππππππππ¦π π¦π πππ¦ππ‘π πππ¬π¨π‘ππ‘ β ππππ¬π’π‘ππ₯π¬π’ π‘ππͺπ¦ ππππ‘π‘ππ ππ§ ππ± π‘ππͺπ¦ ππ π£πππππ£π£ππ‘ππ¦!
K5 News FM Philippines at Bilyonaryo News Channel, opisyal nang magkakampi sa paghahatid ng mga balita at makabuluhang impormasyon sa buong bansa.
Ang pagsasama ng dalawang himpilan ay maituturing na isang βgame-changerβ sa larangan ng pagbabalita, dahil sa kani-kanilang komprehensibo at dekalidad na mga programa at istilo.
Ang Bilyonaryo News Channel ay binubuo ng mga naglalakihang pangalan sa industriya, mapapanood sa mga free channel sa inyong mga telebisyon at maging sa kanilang mga social media accounts.
Kasama ng Bilyonaryo News Channel ang kanilang Abante Radyo, na patuloy na namamayagpag sa larangan ng pagbabalita sa buong Metro Manila at sa buong Pilipinas.
Mas mapapalawak pa ng Bilyonaryo News Channel ang paghahatid ng impormasyon, dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasanib-puwersa ang K5 News FM Philippines at Bilyonaryo News Channel para sa mabilis at detalyadong pagbabalita.
Nitong Agosto 14, 2025, sinelyuhan na ng dalawang himpilan ang kanilang pagsasama sa pangunguna ng Presidente ng Bilyonaryo News Channel na si Ginoong Rey Marfil at CEO at Presidente ng K5 News FM Philippines na si Doc Ramel Uy.
Patunay lamang ito na hindi matatapos ang serbisyong sinimulan ng K5 News FM Philippines sa lungsod at probinsya ng Iloilo.
Ang K5 News FM Philippines ay may mahigit 60 himpilan mula Luzon, Visayas, at Mindanao, kasama ang mga affiliate stations nito, at nangakong magbibigay ng serbisyong tagos sa puso.
Ito pa lamang ang simula ng mas pinalakas at pinatinding pagsasama ng dalawang himpilan.