12/08/2023
Alam mo yung masakit?Yun ay yung nasa healing process ka,yung unti-unti mong binubuo ulit ang sarili mo,yung pinipilit mong maging okay ka na,yung unti-unti ka nang nakakabangon from a traumatic past,then someone came into your life at nangangakong tutulungan kang makalimutan yung pain,tutulungan kang makabangon ulit,sasamahan kang muling harapin ang bukas na wala na yung bakas ng nakaraan. Then you let him enter your life,you give your trust and love to him.Umasa ka na kaya niyang alisin yung mga doubts mo,yung mga sakit na pinagdaanan mo sa past mo.Sumugal ka,pinanghawakan ang mga promises niya,kasi ang buong akala mo siya na,kasi ipinaramdam sayo yung pagmamahal na hinahanap mo,but at the end,siya din pala ang magbibigay ng pinakamasakit na heartbreak sa buong buhay mo.Mas grabe pala yung trauma at sakit na iiwan sayo.At ang pinakamasakit sa lahat is they let you believe na mahal ka,na siya na ang last,pero ang sakit lang kasi mas grabe pa pala yung ibibigay na pain sayo.Nasira ang tiwala,unti-unting nagiging maliwanag ang lahat na ginamit ka lang para makalimot,at ang worst,pinaniwala ka sa mga kasinungalingan at pagpapanggap.
Ang sakit lang isipin na habang pinapagaling mo yung sugat sa puso mo,muli kang bumabangon,muli mong binubuo ang sarili mo,darating sila sa buhay mo para lang muli kang sirain,durugin,at pabagsakin.Akala nila nagtagumpay na sila kasi lugmok ka na naman,siguro nga masaya sila kasi nasaktan ka nila,siguro nga yun talaga ang kasiyahan nila,pero di man lang nila naisip yung tiwala na ibinigay mo at yung nagtake ka ng risk para lang muling sumugal,kung paano mo nilabanan yung mga takot mo just to be with them,kaso di nila yun nakita.Naging bulag sila at manhid kasi mas pinili kang saktan kesa buuin.
Ang sakit lang.
Ctto: