Lagaw ni Juan

Lagaw ni Juan All about Life.✨🌱🧘🏻‍♂️☯️❤️‍🔥

sponsor/collab📩

☮️👁️ 🧘🏻‍♂️ ✨❤️
01/10/2025

☮️👁️ 🧘🏻‍♂️ ✨❤️

Good Morning 🫶🏼
29/09/2025

Good Morning 🫶🏼

May isang pusong minsan nang nasaktan, takot na takot muling magmahal. Para bang bawat paglapit ay may kasamang pangamba...
29/09/2025

May isang pusong minsan nang nasaktan, takot na takot muling magmahal. Para bang bawat paglapit ay may kasamang pangamba, at bawat ngiti ay may takot na baka masaktan ulit.

Hanggang isang araw, sa gitna ng lahat ng takot at pag-aalinlangan, may isang taong dumating — tahimik pero totoo. Hindi niya minadali, hindi rin niya pinilit.

Dahan-dahan niyang pinaramdam na ligtas ka ulit magmahal. At doon mo napagtanto, minsan dumarating talaga ang tamang tao sa oras na akala mo’y sarado na ang puso mo. ❤️

29/09/2025

Life is too short. Spend it with people who make you laugh and feel loved.❤️

Ang mabuting kaibigan ay bihirang matagpuan,parang gintong hiyas na sa iilan lamang ipinagkakaloob.Sa oras ng pagsubok, ...
28/09/2025

Ang mabuting kaibigan ay bihirang matagpuan,
parang gintong hiyas na sa iilan lamang ipinagkakaloob.

Sa oras ng pagsubok, sila’y matibay na sandigan,
at sa kanilang presensya, ang puso’y nagiging payapa.

Mahirap silang iwan, sapagkat ang ugnayan ay nakaugat sa tiwala at tapat na pagmamahalan.

Ang pagkakaibigang wagas ay hindi nabubura ng panahon, kundi lalo pang tumitibay sa bawat paglipas ng araw.

At tunay na imposibleng sila’y malimutan, dahil ang alaala nila’y nakaukit sa kaibuturan ng puso.

Sa pagkakaroon ng tunay na kaibigan, Isang kayamanang di matutumbasan.

Hindi ko na madalas makausapHindi ko narin madalas makitaang mga kaibigan kong minsan ay kasama sa tawa at luha.Wala na ...
27/09/2025

Hindi ko na madalas makausap
Hindi ko narin madalas makita
ang mga kaibigan kong minsan ay kasama sa tawa at luha.

Wala na rin akong ideya sa mga pinagdaraanan nilang hirap. Ganito pala kapag tumatanda na't
namumulat sa reyalidad ng buhay.

May kanya-kanya nang laban, kanya-kanyang hinaharap. Ang dating masayang inuman,
ang tambayan sa kung saan saan, unti-unti nang nababalot ng katahimikan.

Ngunit hindi ako nakalimot. Alam kong katulad ko,
abala rin sila, nagsusumikap, tinutugunan ang tawag ng mundong masyado nang abala para sa’tin.

Sa mga panahong wala na tayong balita, hindi man tayo nagkakausap, Tahimik kong pinapanalangin
nawa’y nasa maayos kayong kalagayan.

27/09/2025

Love me as I am, with all my flaws and truths, for that is where my heart shines its purest.🌱🫀☀️🌛☯️

Huwag mong ikumpara ang  iyong paglalakbaysa hakbang ng iba, sapagkat hindi ito nasusukatkung sino ang nauna o nahuli.An...
24/09/2025

Huwag mong ikumpara ang iyong paglalakbay
sa hakbang ng iba, sapagkat hindi ito nasusukat
kung sino ang nauna o nahuli.

Ang tunay na saysay ng buhay ay nasa pagpapatuloy, sa pagtanggap ng aral sa bawat pagbagsak, at sa muling pagbangon nang may tapang.

Huwag kang mangamba kung mabagal ang iyong pag-usad sapagkat ang bawat maliit na hakbang
ay hakbang pa ring palapit sa iyong nilalayong bukas.

Darating ang araw na ika’y magugulat, sapagkat ang mundo mismo ay gagawa ng paraan upang paboran ang iyong pinaghirapan.

Address

Iloilo City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lagaw ni Juan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Lagaw ni Juan:

Share