IBC TV 12 Western Visayas

IBC TV 12 Western Visayas news gathered by panay correspondent

Ilang bagyo ang ating aasahan sa mga susunod na buwan? 🌀⛈️Inaasahan na hanggang 17 na bagyo ang maaaring mabuo o pumasok...
01/08/2025

Ilang bagyo ang ating aasahan sa mga susunod na buwan? 🌀⛈️

Inaasahan na hanggang 17 na bagyo ang maaaring mabuo o pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) simula buwan ng Agosto 2025 hanggang Enero 2026.

Makikita sa infographic na nasa ibaba ang climatological tracks ng mga bagyong dumaan at pumasok ng PAR mula taong 1948 hanggang 2015 at ang bilang ng mga bagyo na maaring mabuo kada buwan.

Ang pagtaya na ito ay base sa 186th Climate Outlook Forum ng ahensya noong ika-29 ng Hulyo 2025. Ang susunod na update ay gaganapin sa 187th Climate Outlook Forum sa darating na ika-27 ng Agosto 2025.

Para sa karagadagang impormasyon, bisitahin lamang ang official website ng ahensya: https://bagong.pagasa.dost.gov.ph/climate/climate-prediction/seasonal-forecast

01/08/2025

20 BIGAS MERON NA PROGRAM, IBABAHAGI NA RIN SA ILOILO

Nandito na ang ‘YAKAP’ ng Pamahalaan! 🫂🇵🇭Dahil hangad ng PhilHealth na malayo ka sa sakit, inilunsad na ang Yaman ng Kal...
01/08/2025

Nandito na ang ‘YAKAP’ ng Pamahalaan! 🫂🇵🇭

Dahil hangad ng PhilHealth na malayo ka sa sakit, inilunsad na ang Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP).

Para maging PhilHealth protektado, alamin ang proseso sa pagpaparehistro at paggamit ng benepisyo!

(📷: PhilHealth / FB)

01/08/2025

LOOK:

𝗟𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶 𝗣𝗮𝘁𝗮𝘆 𝗠𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 ang 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝗿𝗶𝗹 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝘂𝗹𝗶𝘀 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝘃𝗶𝗮 𝗜𝗹𝗼𝗶𝗹𝗼

Isang 33-anyos na lalaki ang nasawi matapos ang isang insidente ng pagbabaril na kinasangkutan ng mga pulis sa Barangay Balabag, Pavia, kaninang hapon, mga alas-1:00 ng hapon. Kinilala ang biktima bilang si alyas JR, na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib.

Agad na dinala si JR sa ospital ng mga residente, ngunit hindi na naisalba ang kanyang buhay.

Ayon sa ulat mula sa ina ni JR, si Lea, isang pagtatalo sa pagitan ni JR at ng kanyang kapatid na si Jelyn ang nauna sa insidente. Sinabi ni Lea na kumuha ng kutsilyo si JR at hinabol si Jelyn. Dahil dito, humingi siya ng tulong sa mga pulis.

Batay sa mga kuha ng CCTV camera sa lugar, makikita na sinugod ni JR ang mga tumugong pulis gamit ang kutsilyo, na nagresulta sa pagbabaril ng mga pulis. Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

🎥 PAVIAMPS

27/07/2025

WATCH:

PNP Chief Wins Charity Boxing Match by Default

Philippine National Police Chief General Nicolas Torre III has been declared the winner of a charity boxing match after his opponent, Davao City Acting Mayor Baste Duterte, failed to appear. Over 2,000 people attended the event at the Rizal Memorial Coliseum on Sunday, according to the PNP Public Information Office. The PNP collected over ₱300,000 in entrance fees, which General Torre stated will be donated to the DSWD to assist Filipinos affected by the southwest monsoon.

LOOK: PNP Chief, Nanalo sa Boxing Match Nang Hindi Sumipot ang Kalaban Isang hindi inaasahang tagumpay ang natamo ni Phi...
27/07/2025

LOOK:

PNP Chief, Nanalo sa Boxing Match Nang Hindi Sumipot ang Kalaban

Isang hindi inaasahang tagumpay ang natamo ni Philippine National Police Chief General Nicolas Torre III sa isang charity boxing match matapos hindi sumipot ang kanyang kalaban, si Davao City Acting Mayor Baste Duterte. Higit sa 2,000 katao ang dumalo sa laban na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum noong Linggo, ayon sa ulat ng PNP Public Information Office.

Nakapagkolekta ang PNP ng mahigit P300,000 mula sa entrance fee, ayon kay Torre. Idinagdag niya na ang mga nalikom ay ibibigay sa DSWD upang makatulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng habagat.

26/07/2025

Watch:

“NADI-DISTURB IYONG KALULUWA KO,
NAKAKADISMAYA,” wika ni Sen. Risa Hontiveros kaugnay ng desisyon ng Korte Suprema na idineklara ang mga Artikulo ng Pagsasakdal laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte na labag sa konstitusyon.

Aniya, ang desisyon ay nagtataas ng “nakakabahalang mga katanungan” patungkol sa isang taong panuntunan sa pagsasampa ng impeachment laban sa ilang opisyal, na binanggit ng korte sa pagpapawalang-bisa sa kaso.

25/07/2025

Watch:

MGA RESIDENTE SA WESTERN VISAYAS,, PATULOY NA NAAPEKTUHAN NG MALAKAS NA ULAN. PREEMPTIVE EVACUATION IPATUTUPAD SA IILANG LUGAR SA ILOILO.

25/07/2025

Watch:

PNP CHIEF, NAG-JOGGING SA ILALIM NG ULAN!

10 rounds ang tinapos ni Gen. Nicolas Torre III sa PNP oval ngayong Biyernes, Hulyo 25, bilang paghahanda umano sa kanyang charity boxing match sa Linggo.

"

As of 5:00 a.m., nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4 sa ilang bahagi ng Ilocos Sur at La Union...
25/07/2025

As of 5:00 a.m., nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4 sa ilang bahagi ng Ilocos Sur at La Union ngayong Biyernes, Hulyo 25 bunsod ng Typhoon .

Nakataas naman ang Signal No. 3, 2, at 1 sa ilan pang bahagi ng Luzon dala pa rin ng bagyo. (Source: PAGASA)

24/07/2025

TINGNAN:

Muli na namang binaha ang bahagi ng sikat na Strawberry Farm sa La Trinidad, Benguet!

Sa videong inupload ni Highlanderz Vlog makikita ang pag-apaw ng ilog at ang pinsala.

"

24/07/2025

WATCH

POSIBLENG PAGTAAS NG BILANG NG KASO NG LEPTOSPIROSIS, PINAGHAHANDAAN NG IPHO

Address

Iloilo City
5000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IBC TV 12 Western Visayas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to IBC TV 12 Western Visayas:

Share