10/05/2026
๐๐๐ง๐๐ฒ
by Jude Michael B. Casumpang
May mga salitang kayang tumbasan ng panahon, ngunit may isang salita na kailanman ay hindi kukupasโโNanay.โ Kapag binibigkas ito, tila may kasamang init, yakap, at pahingang matagal nang hinahanap ng isang pagod na puso. Hindi lamang ito katawagan; isa itong tahanan. Sa bawat โAnak, kumain ka na ba?โ ay may pag-aarugang hindi kayang bilhin ng salapi. Sa bawat gabing puyat siya habang ikaw ay mahimbing na natutulog, naroon ang pag-ibig na tahimik ngunit walang hanggan.
Hanggang saan nga ba ang pagiging Nanay? Walang eksaktong sagot ang mundo para rito. Sapagkat ang pagiging ina ay hindi nasusukat sa haba ng panahon o dami ng sakripisyo. Ito ay nasusukat sa kakayahang magmahal kahit ubos na siya. Sa mundong madaling sumuko, ang isang Nanay ay patuloy na lumalabanโkahit pagod, kahit sugatan, kahit minsan ay wala nang natitira para sa sarili.
May mga babaeng buong pusong nangarap maging Nanay. Pinangarap nilang marinig ang unang iyak ng sanggol, ang unang โNanay,โ at ang simpleng pakiramdam ng may buhay na umaasa sa kanilang pagmamahal. Ngunit mayroon ding mga babaeng hindi man pinili ang landas ng pagiging ina, ay dinala ng pagkakataon sa responsibilidad na hindi nila inaasahan. May ilan na naging Nanay dahil sa pag-ibig, at mayroon ding naging Nanay dahil sa sakit, pagkakamali, o kapalaran.
Ngunit sa kabila ng ibaโt ibang simula, iisa ang katotohananโang pagiging Nanay ay hindi lamang tungkol sa pagdadala ng bata sa sinapupunan. Ito ay nasa puso. Sapagkat hindi lahat ng nagluwal ay naging ina, at hindi lahat ng naging ina ay nagmula sa dugo. May mga babaeng piniling mag-alaga, umintindi, at magsakripisyo para sa batang hindi nila kadugo, ngunit minahal nila nang higit pa sa sarili nilang buhay.
Ang isang Nanay ay parang kandilang patuloy na nauupos upang magbigay-liwanag sa iba. Habang ang kanyang mga anak ay unti-unting nangangarap, siya namaโy tahimik na nagsasakripisyo sa likod ng tagumpay ng mga ito. Minsan, hindi na siya nakakabili ng bagong damit para lamang may maipambaon. Minsan, kinakalimutan na niya ang sariling pagod upang masigurong maayos ang lahat sa loob ng tahanan. At madalas, kahit siya ang nasasaktan, siya pa rin ang unang magpapatawad.
Sa bawat luhang pumapatak sa kanyang mga mata, may kasamang panalangin. Sa bawat pawis na tumutulo habang siyaโy nagtatrabaho, may kasamang pangarap para sa kanyang pamilya. At sa bawat patak ng dugo at sakripisyong kanyang tiniis, naroroon ang pagmamahal na hindi maramot at hindi naghihintay ng kapalit. Ang isang Nanay ay marunong masaktan, ngunit mas pinipili niyang magmahal kaysa magreklamo.
Hindi madali ang maging Nanay sa mundong puno ng paghihirap at pagbabago. Habang ang iba ay natutulog nang mahimbing, may mga Nanay na gising pa rin sa pag-aalala kung saan kukuha ng panggastos kinabukasan. Habang ang iba ay abala sa sarili nilang buhay, may mga Nanay na inuuna pa rin ang kapakanan ng kanilang pamilya kaysa sariling pangarap. Sila ang tahimik na bayani ng bawat tahananโhindi man nakikita ng marami, ngunit sila ang tunay na dahilan kung bakit patuloy na bumabangon ang isang pamilya.
May ibaโt ibang tawag sa kanilaโNanay, Mommy, Mama, Mudra, Ermatโngunit iisa ang kanilang puso. Isang pusong handang ibigay ang lahat kahit wala nang matira para sa sarili. Hindi man sila perpekto, sila ang pinakamalapit na anyo ng pag-ibig na walang kondisyon. Kapag ang mundo ay tila malamig at mapanghusga, isang yakap lamang mula sa Nanay ang kayang magpatahan ng lahat ng sakit.
At sa huli, marahil hindi mahalaga kung paano nagsimula ang pagiging isang ina. Ang tunay na sukatan nito ay kung paano niya piniling mahalin ang mga taong ipinagkatiwala sa kanya. Dahil ang pagiging Nanay ay hindi tungkol sa kung ano ang matatanggap niya, kundi sa kung ano ang kaya niyang ibigayโbuhay, pag-asa, lakas, at pagmamahal na walang hangganan.
Sa aking Nanay Judith, maraming salamat sa lahat ng pagod, sakripisyo, at pagmamahal na hindi mo kailanman ipinagdamot. Ikaw ang unang tahanan ng aking puso at ang pinakamagandang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa akin. Mahal na mahal kita. At sa lahat ng mga Nanay sa buong mundo, pagpupugay sa inyong luha, dugo, pawis, buhay, at pag-ibig. Kayo ang ilaw ng bawat tahanan at gabay ng bawat pamilya.
โ
Layout by Arniel S. Clarite