05/10/2025
PAGKAKAISANG PAHAYAG NG MGA STUDENT COUNCILS, MGA STUDENT ORGANIZATIONS AT FORMATIONS, MGA UNYON AT SEKTOR NG UPV UKOL SA MULTISECTORAL WALKOUT
Matagal nang sumisingaw ang baho ng kasakiman ng mga nakaupo sa upuang pampublikong serbisyo. Mula sa Pork Barrel Scam sa panahon ni Aquino, sa kontrobersiya ng Philippine National Broadband Network (NBN-ZTE deal) sa panahon ni Arroyo, at sa kasalukuyang panahon ni Marcos, lumilitaw na ang mga โghostโ flood control projects sa Bulacan at mga substandard na flood control projects sa Quezon at ibaโt ibang sulok ng Pilipinas.
Sa kasalukuyang imbestigasyon ng imprastraktura, naungkat na 60-percent ang napupunta sa kickback, isang anyo ng panunuhol, habang 40-percent na lamang ang natitirang badyet para sa mismong proyekto. Mula sa halagang 197-bilyon pesos na binulsa, ayon sa IBON Foundation, kung ito ay ginamit nang tama ay maaaring masustentahan ang mga ospital ng 56,827 hospital beds, maswelduhan ang 201,542 na nars at 63,596 na doktor, makabili ng 6,270,000 metric tons ng palay mula sa mga magsasaka at bigyan sila ng 84,022 small-scale dryers at 42,011 large-scale dryers, at suportahan ang 454,114 micro, small, at medium enterprises (MSMEs) at 5.1-milyong empleyado. Maaari ring magtayo ng bahay para sa 174,588 na pamilyang nangangailangan ng mura, ligtas, at climate-resilient na bahay.
Si Marcos din mismo ay ang pasimunong arkitekto ng gusaling burukrata kapitalismo. Napagtanto ng IBON Foundation na ang โproposed realignmentโ ng pondo para sa flood control ay walang tunay na layunin para usigin ang mga kurakot at siyang pinagpipilian lang ang mga dapat managot. Ang paglaan ng sapat na badyet para siguradong matutukan ang isyu na kung saan damay ang posibleng mahigit isang libong opisyales ay ang pinakamalinaw na hakbang para mapakitang seryoso ang rehimeng Marcos sa pagtugon sa isyu ng pangungurakot. Ngunit, malaking porsyento ng pondo ay inilaan para sa mga garapalan at kahina-hinalang pork barrel projects na walang kinikilalang benepisyaryo. Lantaran at intensiyonal ang kapabayaan sa hindi paglutas ng isyu.
Sa tuluyang pag-apaw ng bumarang tubig-imburnal ay lantaran ang pangungurakot, kapabayaan sa serbisyong panlipunan, at pagsupil sa mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, at lahat ng mamamayang naghihirap. Punong-puno at umaapaw na ang galit ng taumbayan sa araw-araw na panlilinlang ng mga buwayang politiko. Habang lubog sa baha, kahirapan, at katakutan ang karamihan, lubog naman sa kayamanan ang mga mambabatas, kontraktor, at mga kurakot. Higit sa lahat, patuloy pa rin ang katiting na badyet para sa edukasyon, samantalang bilyon-bilyon ang pinopondo para sa pang-reredtag, karahasan, at pamamasismo.
Estudyante, g**o, kawani, ang papel natin sa labang ito ay hindi nakapaloob sa apat na sulok ng silid-aralan at ng pamantasan kundi sa kalsada ng mga lansangan kasama ang masang api. Lumabas tayo sa limitasyon ng mala-kolonyal na edukasyon at harapin ang tunay na kondisyon ng masang Pilipino! Sa masusing pag-aaral ng mga isyung panlipunan, makakarating din tayo sa tiyak na linya ng masang nananawagan para sa tunay na pagbabago at pananagutan. Paulit-ulit ang siklo ng korapsyon sa ating kasaysayan, paulit-ulit din tayong bumabangon at makikibaka hanggang sa tuluyang makamtan ang tagumpay ng sambayanan!
Kung kayaโt nananawagan ang Pamatan-on Kontra Korapsyon, isang koalisyon ng kabataan sa UPV na nakatuon sa pagpupursige na managot ang mga burukrata kapitalismo, na lumiban sa klase at sumama sa walkout ngayong ika-6 ng Oktubre, 1:00 PM. Hindi nagtatapos ang laban natin sa isang mobilisasyon, kundi sa patuloy na pagsusuri, pag-oorganisa, at pakikibaka para managot ang mga dapat managot!
TAMA NA, SOBRA NA!
Hindi pa tapos ang laban! Lahat ng sangkot, dapat managot!
G**o, kawani, estudyante ng UPV, WALKOUT NA TA!
๐ฉ October 6, 2025 (Monday)
๐ฉ 1:00 PM | Local Actions at CAS, CFOS, CM, and SoTech (CUB)
๐ฉ 1:30 PM | University-wide Action at New Administration Building
๐ฉ 4:00 PM | UPV City Campus College of Management Cyberpark