12/11/2025
‘I HAVE 5 KIDS’
Iyan ang saad ng aktres na si AJ Raval sa programa na “Fast Talk with Boy Abunda” matapos siyang matanong patungkol sa kanilang anak ng aktor na si Aljur Abrenica.
“Totoo ba na kayo ni Aljur ay may dalawang mga anak na?” tanong ni Boy Abunda kay AJ.
“Actually Tito Boy, lima na po. I have 5 kids. First one is Ariana, panganay ko po siya. 7 [years old]. And then, second one is Aaron. He’s an angel now, wala na po siya,” pagbabahagi ni AJ.
“And then, third one is Althena, ’yung panganay po namin ni Aljur. Junior, and then Abraham,” saad pa ng aktres.
“So with Aljur, you have three babies?” tanong ni Boy.
“Yes,” sagot naman ni AJ.
(Facebook/Fast Talk with Boy Abunda)