05/07/2025
𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐓𝐂 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐓𝐏 𝟐𝟎𝟐𝟓–𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐧𝐚𝐩;
𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐏𝐓𝐀 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫𝐬, 𝐢𝐧𝐢𝐡𝐚𝐥𝐚𝐥
Hinimok ni Dr. Petronia N. Tarun, Punongg**o ng Imus National High School, ang mga magulang at tagapangalaga ng mga mag-aaral na patuloy na maglaan ng panahon upang aktibong makibahagi sa mga gawain ng paaralan, sa kauna-unahang Parent-Teacher Conference (PTC) para sa Taong Panuruan 2025–2026, na ginanap ngayong umaga, Hulyo 5, sa INHS Covered Court.
Sa kanyang talumpati, pinuri ni Dr. Tarun ang ipinamalas na suporta ng mga magulang sa kabila ng kani-kanilang mga responsibilidad at iskedyul, hindi lamang sa trabaho at tahanan, maging sa mga gawaing pampaaralan.
Binigyang-diin ng punongg**o ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mga magulang at mag-aaral sa mga programang nagsusulong ng matatag na ugnayan sa pagitan ng paaralan at komunidad.
Ayon kay Dr. Tarun, ang kolaborasyon ng paaralan at mga magulang ay mahalaga upang makamit ang layuning hubugin ang mga mag-aaral na taglay ang 𝑎𝑐𝑎𝑑𝑒𝑚𝑖𝑐 𝑒𝑥𝑐𝑒𝑙𝑙𝑒𝑛𝑐𝑒 at 𝑑𝑖𝑠𝑐𝑖𝑝𝑙𝑖𝑛𝑒.
𝐿𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑛𝑡𝑎𝑦-𝑝𝑎𝑛𝑡𝑎𝑦
Sa kanyang mensahe, ipinaabot naman ni G. Michael S. David, bagong halal na Pangulo ng INHS School Parents and Teachers Association (SPTA), ang taos-pusong pasasalamat sa pamunuan ng paaralan at sa mga magulang sa ipinagkaloob na tiwala upang makapagsilbi.
Ani David na sa paglilingkod, lahat ay pantay-pantay upang tunay na maipadama ang serbisyong may malasakit para sa bawat magulang at mag-aaral.
Kasangga rin ng pamunuan ang mga g**ong tagapayo na naging katuwang sa araw na ito, sa pagbibigay ng pagkakataong makausap nang personal ang mga magulang ng kanilang mga mag-aaral.
📸 𝐾𝑢ℎ𝑎 𝑛𝑖 𝐴𝐿𝐽.