15/08/2026
Ang sakit tingnan. 💔
May mga kuting na wala namang kasalanan sa mundo, pero itinapon, iniwan, at hinayaang mabuhay sa lansangan dahil lamang sa kapabayaan ng kanilang mga may-ari.
Ang malas nila—isinilang silang pusa sa mundong hindi nila kayang piliin. Hindi sila kayang magtrabaho para mabuhay, hindi sila kayang magsalita para humingi ng tulong, at hindi nila kayang ipagtanggol ang sarili nila tulad ng tao. Ang tanging alam lang nila ay mabuhay, magmahal, at magtiwala sa taong dapat sana ay mag-aalaga sa kanila. 😢
Sana tandaan natin: hindi pagtatapon ang solusyon sa pagdami ng mga kuting. KAPON ang solusyon.
Kung hindi mo kayang alagaan ang magiging anak ng alaga mong pusa o aso, sana maglaan ka ng budget para sa kapon. Huwag hintaying manganak nang manganak ang alaga, at kapag hindi na kayang alagaan ang mga kuting, saka itatapon kung saan-saan.
Hindi nila piniling ipanganak. Hindi nila piniling maging gala. At higit sa lahat, hindi nila kasalanan ang pagiging iresponsable ng kanilang may-ari.
Sana mas palakasin pa ng ating gobyerno at mga lokal na pamahalaan ang LIBRE o abot-kayang kapon para sa mga aso at pusa, lalo na para sa mga pamilyang walang kakayahang magbayad. Malaking tulong ito upang mabawasan ang bilang ng mga hayop na nauuwi sa lansangan, gutom, sakit, pang-aabuso, at kamatayan.
Kahit alaga man o stray cat/dog, sana bigyan natin sila kahit kaunting pansin at malasakit. May buhay din sila. Nakakaramdam din sila ng gutom, sakit, takot at lungkot.
Kung nagpasya kang mag-alaga ng hayop, sana tanggapin mo rin ang responsibilidad na kasama nito.
Ang pag-aalaga ay hindi lamang pagpapakain. Ang tunay na pag-aalaga ay pananagutan. ❤️🐾
Kapon. Huwag tapon.
Maging responsable. Maging bahagi ng solusyon.
Don’t forget to like,share, react or tapusin po video namin. Sa ganyang paraan matutulungan nyo po kami e sustain ang pagpakain at pagpapakapon sa mga straycat and Dog. Salamat po!!