DALE & GREY

DALE & GREY Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DALE & GREY, Digital creator, Imus.

20/09/2026

Hindi muna ako magtataray πŸ˜‚

26/08/2026

Oo nganii πŸ˜‚

24/08/2026

Grey Then & Now

24/08/2026

Magpapa-check up yern πŸ˜€

14/06/2026

Hindi pwedeng nasa drafts ko na lang 'to. Miss you my.. oh, dale...oh dale...oh, dale! πŸ’œπŸ₯²

Disclaimer: No copyright infringement intended.Music belong to the rightful owner.

29/03/2026

Run free, my oh Dale.. oh, Dale... oh, Dale
No more pain na.
Habang nag edit ako ng video na 'to, naiiyak pa rin ako.
Ngayon lang ako umiyak sa pusa. Dahil kay Dale, nakaka-appreciate ako ng pusa. Sa pamilya namin, ako lang ang ayaw ng pusa dati dahil nababahuan ako sa amoy ng tae nila. Dahil gusto ng mga anak ko, pinagbigyan ko pero hindi ako ka-alaga gaya ng kay Dale. Dahil sa kanya, tinanggap ko si Grey.Kaya taga dakot na nga ako ng tae, taga bili ng litter sand, catfood, toys etc. puro gamit nila ang nasa add to cart ko. Mas spoiled pa sila kesa mga anak ko. Naging alipin nila ako πŸ˜€.. Sa sobrang overwhelmed ko, akala ko mabuting furmom na ako dahil nabibilhan ko sila ng kung anu-ano lalo na yung dry catfood. Wala akong idea, nakakasama pala sa kidney ng pusa yun. Hindi maganda ang lifestyle.. Kaya na diagnosed sya ng CKD. Grabe, binigla kami. Mga 1 week lang yung symptoms. Akala ko simpleng trip lang nyang maiihi ng kung saan saan. Biglang may dugo na yung ihi.Pinag birthday nya muna ako, kinabukasan nanghihina na sya..Kaya dinala na agad namin sa vet. Yun pala may UTI na, lumobo na ang pantog. Na-confined ng 4 days. Iyakan na mga anak ko, nagtatalo pa dahil sa binigay na options kung anong maging desisyon. Ilalaban daw nila maski gumastos, iu-utang. Madugtungan lang buhay ni Dale, ayaw may bitbiting guilt na wala kaming ginawa. Madugo ang bills pati gamot at food, daig pa tao. Sabi ko nga kaya nga di ako nagpa check up sa Myoma ko dahil ayaw ko ng gastos, sa pusa pala.Sorry naman first time namin 'to.. Ayun, may CKD na pala. Pero, naiuwi pa namin sya, akala namin ok na. Inabot din ng 1 week.
Ayun, nagpa alam na sya ng tuluyan sa amin. Dati, hindi ko maintindihan yung umiiyak sa mga hayop. Ngayon, dama ko na sila. Hindi pilit, mapapahal ka pala talaga. Pamilya na ang turing, para ulit akong may baby.. Habang tinatype ko 'to, naiiyak na naman ako dahil nabawasan na yung bantay ko sa pagtulog. Siga kasi yun pag nagbukas ng pinto sa kwarto para lang tumabi sa akin, madaling araw minsan. Kaya napapagalitan ko. Pero, tatabi pa rin.Matatakutin ako kaya feeling safe ako pag katabi ko sila. Sa CR, bodyguard ko rin. Wala na akong privacy.
Anyway, Thank you sa mga anak ko, ate Marivic, Kuya Cielo, Philip sa financial support. Grabe, solid support.
Thank you, Rona dahil sya ang naasahan ko pag may tanong ako, lalo na sa first-aid
Sa mga staff ng PragmaVet Animal Clinic. Thank you dahil ginawa nyo rin lahat para madugtungan lang ang buhay ni Dale. Maski alam nyo na ang magiging ending.
Thank you, Lord dahil pinahiram nyo sa amin si Dale para maturuan ako paano magmahal at mag alaga ng pusa/hayop. Natuto sa pagkakamali.
Kaya pala pag nasa daan ako, may mga lumalapit talagang pusa sa akin, di ako naiirita. Iniisip ko na Cat Distribution System.
Dahil sa pusa namin, sila ang naka full storage ng cp ko. Dapat pala, inupload ko dati. Mag uupload pa rin ako ng mga video ni Dale, bilang alaala. πŸ’œ
Disclaimer: No copyright infringement intended. Music belong to the rightful owner.

03/28/26

04/03/2026

Iyak ako talaga! Dedma pa rin sya πŸ˜‚

Address

Imus
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DALE & GREY posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share