17/01/2025
Did you know? 🤔
The "Doctrines of Grace" or the so-called "TULIP" and "5 Points of Calvinism" actually come from the Canons of Dort! This official document was crafted by the Synod of Dort (1618–1619) as a response to the teachings of the Remonstrants (followers of Jacobus Arminius), who are now more identified as "Arminians."
Ano ba ang itinuro ng mga Remonstrants?
● Election based on Foreseen Faith — Ang pagpili ng Diyos sa mga taong iniligtas Niya ay nakadepende raw sa kabutihan at pananampalataya ng tao na nakita na ng Diyos noong simula pa;
● Universal and Indefinite Atonement — Ang sakripisyo ni Cristo at ang benepisyo nito ay para raw sa lahat ng tao, at ang pagiging epektibo nito para sa kaligtasan nila ay naka-depende sa kung tatanggapin nila ito o hindi;
● Partial Depravity — Ang pagkasira raw ng kalikasan ng tao dahil sa kasalanan ay bahagya lamang, at siya’y may kakayahan pa rin sa kanyang sarili na sumampalataya at maligtas;
● Resistible Grace — Ang pagbibigay ng biyaya ng Diyos para sa kaligtasan, sa pamamagitan ng pagkilos ng Banal na Espiritu, ay maaari pa rin daw na labanan ng kalooban ng tao;
● Possibility of Lapse from Grace — Ang mga iniligtas ng Diyos at mga mananampalataya ay maaari pa rin daw mahulog nang lubusan sa kasalanan at tuluyang mawalan ng kaligtasan sa huli.
Sa kanilang tugon, ipinahayag ng Synod of Dort ang sumusunod:
● Unconditional Election — Ang pagpili ng Diyos sa mga taong iniligtas Niya ay hindi nakadepende sa kahit anong parte o gawa ng tao, kundi tanging sa kalooban at kabutihan lamang ng Diyos;
● Limited and Definite Atonement — Ang sakripisyo ni Cristo at ang epektibong benepisyo nito ay para lamang sa lahat ng Kanyang pinili na maligtas at itinakda na sumampalataya;
● Total Depravity and Inability — Ang pagkasira ng kalikasan ng tao dahil sa kasalanan ay lubusan, kaya’t walang kakayahan ang tao na sumampalataya at maligtas maliban na lang kung siya’y pagkikilusan ng Banal na Espiritu;
● Irresistible Grace — Ang pagbibigay ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pagkilos ng Banal na Espiritu ay makapangyarihan at epektibong bumabago sa puso at kalooban ng tao, at ito’y siguradong tinutupad Niya sa lahat ng Kanyang pinili;
● Perseverance of the Saints — Ang mga pinili ng Diyos na maligtas at pinagkilusan ng Banal na Espiritu ay Kanyang iniingatan at pinananatili, kaya’t sila ay tiyak na magpapatuloy sa pananampalataya at kaligtasan hanggang sa huli.
Napapansin mo ba? Ang tamang pagkakasunod ay ULTIP, hindi TULIP. 🌷
Kung nais mong mas lubos na maunawaan ang mga Doctrines of Grace, iniimbitahan ka naming kumuha ng kopya ng aklat na "Pagkakaisa sa Pananampalataya." 📖
Ang aklat na ito ay naglalaman ng Canons of Dort, pati na rin ang Apostles’ Creed, Nicene Creed, Athanasian Creed, Heidelberg Catechism, at Belgic Confession—lahat sa makabagong Tagalog.
Mag-order na! 📩 Message us for more details.