10/02/2026
Please help to share po‼️‼️‼️baka sakaling makatulong ang inyung pagshare.. Pinsan po namen ang nawawalang batang dalaga na to na taga tañong,Malabon. Baka sakaling may mga kamag-anak po kayu na malapit na lugar na yan.
[BALITA] 15-anyos na dalagita sa Malabon, nawawala; pamilya humihingi ng tulong
Hinahanap ngayon ng pamilya ang nawawalang Grade 9 student na si Divine Estrada, 15, matapos itong huling makita sa Barangay Tañong, Malabon City bandang alas-5 ng hapon noong Pebrero 7, 2026.
Nagpaalam umano si Divine na magpapaprint lamang ng school requirement malapit sa kanilang lugar, ngunit hindi na ito nakauwi matapos umalis ng bahay.
Nang mapansing ilang oras nang hindi bumabalik ang dalagita, agad nagsimulang maghanap ang kanyang ina na si Sheina Estrada.
Sinuyod niya ang mga karatig na lugar at nagtanong sa mga kaibigan at kakilala ng dalagita, subalit wala pa ring nakukuhang impormasyon hinggil sa kanyang kinaroroonan.
Tatlong araw nang nawawala si Divine, kaya nakipag-ugnayan na rin ang ina sa Malabon City Police Station (MCPS) upang maipa-blotter ang insidente at humingi ng tulong sa paghahanap.
Ayon sa panayam ng Raffy Tulfo in Action kay Police Capt. Alexander Dela Cruz, ginagawa ng kanilang tanggapan ang lahat ng makakaya upang matukoy ang kinaroroonan ng dalagita.
Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon, ngunit wala pa umanong malinaw na impormasyon hinggil sa kanyang pagkawala.
Dagdag pa ng opisyal, nakikipag-ugnayan na rin sila sa barangay upang makakuha ng mga CCTV footage na maaaring makatulong sa pag-usad ng imbestigasyon at sa agarang paghahanap kay Divine.
Nanawagan ang pamilya Estrada sa publiko na tumulong. Sinumang may impormasyon tungkol kay Divine ay maaaring makipag-ugnayan sa mga numerong 0976-306-1688 o 0926-534-0585.
-
Ulat ni John Mark Jumao-as