05/04/2026
𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔𝗡𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗜𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬-𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗔𝗠𝗨’𝗧 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗪𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜-𝗦𝗔𝗥𝗜 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗜𝗘𝗦! 🗣️📹
Sa bawat kuha ng lente, hindi lang mukha ang inyong makikita, kundi mga kuwentong handang marinig, damhin, at pagnilayan. Bawat indibidwal sa likod ng produksiyon ay may kani-kaniyang tinig, karanasan, at talento na nagsisilbing puhunan upang mabuo ang isang makabuluhang sining.
Tulad ng isang tindahan na hitik sa iba’t ibang laman, ang Sari-Sari Stories ay binubuo ng mga taong sari-sari rin sa kakayahan at pananaw na pinag-isa ng iisang layunin: ang maghatid ng mga kuwentong sumasalamin sa tunay na buhay.