25/08/2025
Hi admin SEAMAN PH
Ako po si Ann, 44 taong gulang na po ako isang single mom at may isang anak na graduating na ng Nursing. Isa po akong OFW. May ka-workmate akong si ate Lyn at madalas naming pinag-uusapan ang tungkol sa Seaman. May isang pinsan siya na kinukwento niya sa akin na ang pangalan ay Ralph. Si Ralph po pala admin ay isang seaman na may tatlong anak at sobrang lugmok ang buhay.
Bago ang pandemya, nakipaghiwalay ang asawa ni Ralph dahil sa isang lalaki, at hindi lang iyon, nilubog pa niya ito sa utang. Nang lumala ang pandemya, lalong nadagdagan ang problema ni Ralph dahil hindi nakasakay agad ng barko.
Isang araw, nagka-video call sila ni ate Lyn, at nakita niya akong dumaan at sabi niya, kung pwede ba daw akong makilala ni ralph. kalaonan ay nag-friend request si Ralph sa akin sa facebook at inaccept ko naman agad sa kadahilanang ako'y naawa sa kanya at yun na nga admin dito na nag umpisa ang lahat at katagalan ay naging kami.
Admin, Tinanggap ko si Ralph, minahal, at tinulungan ko siya emotionally at financially. Sa madaling salita, Nagmahal ako ng isang seaman na wasak, walang wala, lubog sa utang at ang masaklap admin nakasangla pa ang bahay niya.
Admin kami ay nagkarelasyon ni Ralph ng apat na taon bilang magjowa at noong 2023, pagkatapos ng tatlong taon ng long-distance relationship, nagdesisyon kaming magbakasyon ng sabay sa pilipinas at yun na nga nag kita kami ng puno ng pagmamahalan sa isat isa. Subalit noong 2024, may masamang nangyari sa papa ko kaya umuwi agad ako sa kadahilanang namatay ang papa ko at sakto naman na nasa Pilipinas si Ralph kaya nagkita kami pagkatapos ng libing ng papa ko. Ngunit alam mo ang pinakamasaklap admin sa halip na damayan ako ni ralph ay nag iba na ang tingin nya sa akin at para bang nag bago na ito na di ko sukat akalain magkalamat ang relasyon namin.
Hanggang lumipas ang ilang buwan admin, ito na talaga ang kinatatakutan kung mangyari, nalaman kung nagkabalikan na si ralph at ang kanyang asawa, bigla akong nanghina admin at di maka paniwala sa balita na aking nalaman hanggang sa nag message si ralph sa akin : "Pasensya ka na ann, binago ng panahon ang mga plano ko. Maraming salamat at naging parte ka ng buhay ko, nandyan ka noong walang wala ako. Pasensya ka na, hindi na mababago ang desisyon ko, pero kung gusto mo, tayo pa rin, pero walang forever." Sumagot naman ako: "Hanggang dito na lang tayo siguro, sasaktan ko lang ang sarili ko pag itutuloy pa natin ang relasyon na ganito." at akoy napa iyak admin at labis na nasaktan.
Nagtanong ako sa kanya kung ginawa niya ba akong panakip butas admin, at sumagot siya: "Hindi at ang totoo ay minahal talaga kita. Hayaan mo, pagbaba ko ng barko, babayaran kita." pero sinabi ko sa kanya: "Wag na, tulong ko sa iyo lahat yun."
Ngayun unti unti na syang naka bangon admin at naging masaya sa feeling ulit ng asawa nya at akoy na iwan mag isa.
hanggang dito nalang ann