09/08/2025
                                            ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ผ๐ป, ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป๐ผ: ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฃ๐ง๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ-๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Matagumpay na isinagawa ng Mataas na Paaralan ng Zeferino Arroyo ang unang pagtitipon ng Samahan ng mga Magulang at G**o (SPTA) para sa taong panuruan 2025โ2026 noong Hulyo 26, 2025 sa ZAHS-MPCC. Dinaluhan ito ng 721 magulang mula Baitang 7 hanggang 12, kasama ang pamunuan ng paaralan at bagong halal na SPTA Board.
Kabilang sa mahahalagang tinalakay ang โState of the School Addressโ ni Gng. Ludevina Ester D. Bolante, Principal IV, kung saan inilahad at tinalakay ang mga naging tagumpay ng paaralan sa nakalipas na taon at ang mga konkretong hakbang para sa patuloy na pag-unlad. Inilahad rin ang mga panukalang badyet para sa ibaโt ibang asignatura at organisasyon ng paaralan, na layong suportahan ang mga proyekto at programang makikinabang ang buong komunidad ng ZAHS.
Tinalakay din ang mga PTA dues at authorized fees na inaprubahan ng mga magulang sa nasabing pagpupulong.
Ang pagtitipon ay nagsilbing daan upang masig**o ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng paaralan at mga magulang, at upang pagtibayin ang suporta para sa mga proyektong mag-aangat sa kalidad ng edukasyon at serbisyong handog ng ZAHS.
โ๏ธ: Precious Sibongga
๐ธ: Rizzi Veronica Pacis / SPTA