Ang Kilat

Ang Kilat Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino ng Matlang National High School.

TAMPOK NA LARAWAN | Ilan sa mga mag-aaral ng Matlang National High School na hindi kabilang sa relihiyong Katoliko ay na...
03/07/2026

TAMPOK NA LARAWAN | Ilan sa mga mag-aaral ng Matlang National High School na hindi kabilang sa relihiyong Katoliko ay nagsagawa rin ng pagtitipon kasabay ng isinagawang Banal na misa ngayong araw, Hulyo 3, 2026.

๐Ÿ“ท Kuha ni: Bb. Aiko Escototo

TAMPOK NA LARAWAN | Nagsagawa ang Matlang National High School ng kauna-unahang Banal na misa ngayong araw, Hulyo 3, 202...
03/07/2026

TAMPOK NA LARAWAN | Nagsagawa ang Matlang National High School ng kauna-unahang Banal na misa ngayong araw, Hulyo 3, 2026. Naging kaugalian na ito tuwing unang biyernes sa bawat buwan ng taon.

๐Ÿ“ท Kuha ni: Keith Dumagsa

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐ƒ๐ซ. ๐‹๐ฎ๐œ๐ž๐ง๐š ๐‹. ๐‚๐ฎ๐ž๐ซ๐ฏ๐จ! "๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ-๐˜ช๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ต...
29/06/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐ƒ๐ซ. ๐‹๐ฎ๐œ๐ž๐ง๐š ๐‹. ๐‚๐ฎ๐ž๐ซ๐ฏ๐จ!

"๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ-๐˜ช๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ-๐˜ช๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ."

Sa espesyal araw na ito, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pagbati mula sa buong pamayanan ng paaralan. Maraming salamat sa inyong mahusay na pamumuno, walang sawang paggabay, at dedikasyon sa pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon para sa kapakanan ng bawat mag-aaral at g**o.

Nawa'y patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at mas marami pang taon ng makabuluhang paglilingkod. Hangad namin ang inyong patuloy na tagumpay, kaligayahan, at katuparan ng inyong mga mithiin.

โœ’๏ธ Isinulat ni: Jessa Silvano
๐Ÿ’ป Inianyo ni: Chares Guardados

๐๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข, ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐  ๐ง๐  ๐€๐ง๐  ๐Š๐ข๐ฅ๐š๐ญ! โšกโœจMatagumpay nang natapos ang Ikalawang Yugto ng Pagsusuri ng Ang Kilat. Matapos...
29/06/2026

๐๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข, ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐  ๐ง๐  ๐€๐ง๐  ๐Š๐ข๐ฅ๐š๐ญ! โšกโœจ

Matagumpay nang natapos ang Ikalawang Yugto ng Pagsusuri ng Ang Kilat. Matapos ang masusing ebalwasyon, narito na ang mga code ng mga aplikanteng matagumpay na nakapasa at napiling maging bahagi ng isang bagong kabanata ng pahayagang pampaaralan.

Binabati namin ang lahat ng mga napili! Nawa'y patuloy ninyong gamitin ang inyong talento sa pagsusulat, pagkuha ng larawan, pagdidisenyo, at paghahatid ng impormasyon nang may katotohanan, integridad, at paglilingkod.

Maligayang pagdating sa ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ถ๐—น๐—ฎ๐˜! ๐Ÿ“ฐ ๐Ÿ–‹๏ธ

โœ’๏ธ Isinulat ni: Icel Joy Gerbabuena
๐Ÿ’ป Inianyo ni: Mark Laurence Nim

ISABEL PNP NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA MNHSNagsagawa ng inspeksyon ang kapulisan ng Isabel Municipal Police Station sa Ma...
23/06/2026

ISABEL PNP NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA MNHS

Nagsagawa ng inspeksyon ang kapulisan ng Isabel Municipal Police Station sa Matlang National High School nitong Hunyo 23, 2026, bilang bahagi ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan kasunod ng insidente ng pamamaril na naganap sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Sinuri ng mga awtoridad ang seguridad ng paaralan at nakipag-ugnayan sa administrasyon upang higit pang mapalakas ang mga programang pangkaligtasan sa loob ng kampus.

Ayon kay Police Lieutenant Sergio M. Llaneta III ng Isabel PNP, layunin din ng kanilang pagbisita na paghandaan ang pagsasagawa ng isang simposyum tungkol sa anti-bullying at kamalayan laban sa ilegal na droga para sa mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, patuloy na pinatitibay ng paaralan at ng kapulisan ang kanilang pagtutulungan upang mapanatili ang isang ligtas at maayos na kapaligiran sa pag-aaral.

โœ’๏ธ Isinulat ni: Nicole Ian Doguiles
๐Ÿ“ท Kuha ni: Mark Laurence Nim

MNHS HIGPIT-SEGURIDAD MATAPOS ANG INSIDENTE SA TACLOBANPinagtibay ng Matlang National High School ang mga hakbang pangse...
22/06/2026

MNHS HIGPIT-SEGURIDAD MATAPOS ANG INSIDENTE SA TACLOBAN

Pinagtibay ng Matlang National High School ang mga hakbang pangseguridad nitong Hunyo 22, 2026, matapos ang pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na kumitil ng tatlong buhay at ikinasugat ng lima pa.

Sa pangunguna ni Ginoong Joseph Pascua, tagapag-ugnay ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Section ng paaralan, nagsagawa ng inspeksyon sa mga bag ng mga mag-aaral bilang bahagi ng pinaigting na seguridad. Simula sa araw na ito, isasailalim na rin sa naturang hakbang hindi lamang ang mga mag-aaral kundi maging ang lahat ng mga g**o, non-teaching personnel, at mga bisita upang mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at seguridad sa loob ng kampus.

โœ’๏ธ Isinulat ni: Nicole Ian Doguiles
๐Ÿ“ท Kuha ni: Bb. Ronalyn Anonat

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—”๐—บ๐—ฎ! Bilang pagdiriwang ng natatanging okasyong ito, kinikilala at pinaparangalan natin ang lahat...
21/06/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—”๐—บ๐—ฎ!

Bilang pagdiriwang ng natatanging okasyong ito, kinikilala at pinaparangalan natin ang lahat ng mga ama at haligi ng tahanan dahil sa kanilang walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at paggabay sa kanilang pamilya. Sa lahat ng mga ama, saludo kami at taos-pusong nagpapasalamat sa inyong walang humpay na pagsisikap para sa ikabubuti ng inyong mga mahal sa buhay.

Mga Pinagkunan ng Larawan:

https://share.google/va0oEgKQUoNIiWMBk https://share.google/8OfcPSZGy1rPQsi8Z https://share.google/8OfcPSZGy1rPQsi8Z https://share.google/lBl7JlmawiIKwr5ul https://share.google/7zkKzNf27gsCc5tOY

โœ’๏ธ Isinulat ni: Icel Joy Gerbabuena
๐Ÿ’ป Inianyo ni: Mark Laurence Nim

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ, ๐™‹๐™š๐™ฅ๐™š! Sa araw na ito, buong-puso nating ipagdiwang ang ika-165 na anibersayo ng kapanganakan ng ati...
19/06/2026

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ, ๐™‹๐™š๐™ฅ๐™š!

Sa araw na ito, buong-puso nating ipagdiwang ang ika-165 na anibersayo ng kapanganakan ng ating pambansang bayani, Dr. Jose P. Rizal. Ang kaniyang talino, tapang, angking galing sa sining, at walang-kapantay na pagmamahal sa bayan ang naging mitsa upang mamulat ang diwang makabayan ng bawat Pilipino.

Sa paglipas ng mga siglo, patuloy na umaalingawngaw ang kaniyang mga pangaral at ang mga salita mula sa obra na kaniyang ipinamana sa atin; at hindi kailanman mabubura sa kasaysayan ang kaniyang kadakilaan. Tulad ni Pepe, muli nating patunayan na ang panulat at talino ay mas makapangyarihan sa anumang dahas, at ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa edukasyon at pagkakaisa ng lahi.

Ang kanyang legasiya ay mananatiling buhay at nag-aalab sa puso ng bawat mamamayang Pilipino.

โœ’๏ธ Isinulat ni: Chriz Angel Roche
๐Ÿ’ป Inianyo ni: Mark Laurence Nim

Address

Matlang, Leyte
Isabel

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Kilat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share