09/08/2025
                                            “Baka hindi ka talaga mahal" 
Baka sinasamahan ka lang kasi convenient ka, kasi mabait ka, kasi binibigay mo lahat.
Pero hindi lahat ng binibigyan ng lahat, pinipiling mahalin pabalik.
Alam mo kung anong totoo?
Naging "pahinga" ka lang niya sa panahong magulo ang mundo niya. Pero nung naging okay na siya, at wala ng kailangan, iniwan ka lang sa ere na parang walang nangyari.
Naging payong ka lang niya ng binagyo sya ng sakit at problema, pero nung maayos na sya iniwan ka nalang din na parang wala kang naging value sa buhay niya.