Ang Talas

Ang Talas Tunay sa Pagseserbisyo

MS. JOY SORIA OLINARESLICENSED PROFESSIONAL TEACHERGUEST SPEAKER Isang taos-pusong pasasalamat ang nais naming iparating...
17/04/2025

MS. JOY SORIA OLINARES
LICENSED PROFESSIONAL TEACHER
GUEST SPEAKER

Isang taos-pusong pasasalamat ang nais naming iparating mula sa buong graduating class 2025 ng Cordon South Central School Annex, ngayong taong panuruan 2024-2025 sa inyong makabuluhang talumpati na inyong ibinahagi sa aming seremonya ng pagtatapos na may temang "Henerasyon ng Pagkakaisa: Kaagapay sa Bagong Pilipinas"

Ang iyong mensahe ay hindi lamang nagbigay-inspirasyon, kundi nagsilbing gabay at paalala sa kahalagahan ng dedikasyon, sipag, at paninindigan sa pag-abot ng mga pangarap. Tunay po kayong naging bahagi ng isang napakahalagang kabanata sa buhay ng aming mga mag-aaral.

Nawa’y patuloy ninyong gawin ang pagbabahagi ng inyong kaalaman at karanasan upang higit pang mahubog ang isipan at puso ng mga kabataan.

At sa mga huling kataga ng iyong mensahe,naimulat sa mga mag-aaral ang isang Bible Verse na mababasa sa Proverbs 16:3 "Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at matatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin."

Kungsaan,ipinaliwanag mo ito na dapat ipagkatiwala ang lahat ng ating mga gawain at mga plano sa Diyos, at Kanyang gagabayan ang ating mga hakbang patungo sa tagumpay.

Muli, maraming salamat po sa iyong inilaan na oras para sa pagbabahagi ng iyong mga karanasan sa aming Graduating Class 2025.

✏️N.M.I-SPA

PAGPUPUGAY sa mga batang Annex!Tagumpay na ipinamalas ang galing at kakayahan ng mga 18 na kalahok ng Cordon South Centr...
08/03/2025

PAGPUPUGAY sa mga batang Annex!

Tagumpay na ipinamalas ang galing at kakayahan ng mga 18 na kalahok ng Cordon South Central School Annex sa isinagawang 2025 District Festival of Talents na may temang “Galing, Talino at Husay at ng mga Batang Makabansa sa Diwa ng Matatag na Adhika” itong ika-7 ng Marso,2025 na ginanap sa Gayong Elementary School.

Ipinagpapasalamat ng buong kaguruan ng eskwelahan sa pamumuno ni Gng. Ruth O. Collado,MT-I sa walang hanggang suporta ng mga stakeholders ng paaralan,lalo na sa mga opisyales ng Barangay Quirino sa liderato ni Punong Barangay Jaime P. Sumbad,sa mga mahal naming mga magulang sa pangunguna ni Mr. Kerwin M. Sabado,PTA President sa inyong presensya mula sa umpisa ng pageensayo hanggang sa matapos ang kompetisyon.

Patuloy nating ipadama ang pagmamahal at suporta sa ating paaralan at mag-aaral para mas lalo pang mahasa ang kanilang kahusayan sa anumang mga bagay.

23/01/2025
In support to the Regional Memorandum No. 441 s.2024, Cordon South Central School Annex spearheaded by Ma'am Ruth O. Col...
15/11/2024

In support to the Regional Memorandum No. 441 s.2024, Cordon South Central School Annex spearheaded by Ma'am Ruth O. Collado, Teacher In-charge will conduct the Project BANGON-ARal which means Building Academic Nurturing Goals for Optimal Norms in Achieving Recovery and Learning.
Below are the important dates to remember to address the 32 lost in-person school days caused by the recent typhoons.

Buong pusong nagpapasalamat ang buong kaguruan ng Cordon South Central School Annex sa liderato ni Gng. Ruth O. Collado ...
04/11/2024

Buong pusong nagpapasalamat ang buong kaguruan ng Cordon South Central School Annex sa liderato ni Gng. Ruth O. Collado sa tatlong buwan na serbisyo mo sa eskwelahan "mam Jen" kung aming tawagin, dahil tunay nga na isa kang dedikadong g**o sa pagpapakita mo ng galing sa pagtuturo at pagmamahal mo sa mga batang Annex. Sa iyong pag-alis sa aming mumunting paaralan,hiling namin ang iyong patuloy na magandang takbo ng iyong karera sa larangan ng pagtuturo.

Alinsunod sa Memorandum Blg. 359 ng Schools Division ng Isabela ,ang paaralang Cordon South Central School Annex sa pamu...
04/11/2024

Alinsunod sa Memorandum Blg. 359 ng Schools Division ng Isabela ,ang paaralang Cordon South Central School Annex sa pamumuno ni Gng. Ruth O. Collado,Teacher-in charge ng eskwelahan ay inilunsad ang 2024 Pambansang Buwan ng Pagbasa at National Library Month Celebration Cum National Values Month na may temang "MAGBASA,MANGARAP,MAGDIWANG"ngayong araw ng lunes ika-4 ng Nobyembre taong kasalukuyan. Ito ay layuning maisakatuparan ang tiyak na paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral at gawing pataasin ang antas na lebel ng kanilang pagbasa.At nagsagawa nga ng maikling pagbasa ng isang kwentong kapupulutan ng magandang asal sa pangunguna ni Gng. Grace G. Abon, reading coordinator ng eskwelahan. Ipinakita ang pagkagiliw ng mag-aaral sa pagbabasa sa pamamagitan ng kanilang partisipasyon at sila'y nakinig at aktibong sumagot sa mga tanong ukol sa kwentong kanilang napakinggan.

THE SEARCH FOR COWGIRL & COWBOY 2024 Isa sa isinagawang paligsahan ang  Search for Cowgirl at Cowboy para sa mga piling ...
20/10/2024

THE SEARCH FOR COWGIRL & COWBOY 2024

Isa sa isinagawang paligsahan ang Search for Cowgirl at Cowboy para sa mga piling scouts ng bawat patrol. Si Princess Katrine Offeciar,Patrol Leader ng Team Lilly ang siyang nakasungkit bilang Cowgirl 2024 at Cyrix Albanan ang kawan ng Team Tamaraw ang siyang napili bilang Cowboy 2024.
Ipinakita ng bawat kandidata ang interes sa larangan ng pageantry. Sila'y nagkaroon ng buong tiwala sa sarili na ipinakita ang kakayahan sa pagrampa,lalo na sa pagsagot sa Q&A at sa pagpapakita ng pinakatago-tagong talento.

✍🏻Rocel V. Discipulo
Ang Talas Writer

TAGUMPAY na nalagpasan ang lahat ng hamon sa isinagawang School-based GSP/BSP Encampment 2024 ang mga naitalagang Boy Sc...
20/10/2024

TAGUMPAY na nalagpasan ang lahat ng hamon sa isinagawang School-based GSP/BSP Encampment 2024 ang mga naitalagang Boy Scout at Girls Scout of the Philippines ng Cordon South Central Scho Annex,ito ay sa pamumuno ni Ginang Ruth O. Collado,2BH at sa tulong ng mga Troop Leaders nito sa pangunguna nina TL Cathyrine D. Valdez,GSP Coordinator at TL Drepol A. Palpallatoc,BSP Coordinator.
Hand SALUTE!

✍🏻Zaijan Osias
Ang Talas Cartoonist

Sa isinagawang School-based GSP&BSP Encampment 2024,natuto ang mga mag-aaral sa pagsagawa ng Module 1- 6 sa pangunguna n...
20/10/2024

Sa isinagawang School-based GSP&BSP Encampment 2024,natuto ang mga mag-aaral sa pagsagawa ng Module 1- 6 sa pangunguna ni Ginoong Drepol A. Palpallatoc,BSP Coordinator.
Ipinakita nila ang interes na matuto at binuhos ang lakas mula module 1 hanggang module 6 na kung saan matagumpay na nalampasan ang obstacle relay.
Mahirap pero kinaya ng mga matatapang na Girl Scout at Boy Scout of the Philippines ng Cordon South Central School Annex sa pamumuno ni Ginang Ruth O. Collado,2BH/Teacher In-charge ng nasabing eskwelahan.

✍🏻Britney Dinamman
Ang Talas Writer

STAR/KAB/TWINKLERS/KID SCOUTS NAGPAKITANG GILAS SA IBA'T-IBANG GAWAIN SA SCHOOL-BASED ENCAMPMENT 2024"Kami BULILIT,mga b...
20/10/2024

STAR/KAB/TWINKLERS/KID SCOUTS NAGPAKITANG GILAS SA IBA'T-IBANG GAWAIN SA SCHOOL-BASED ENCAMPMENT 2024

"Kami BULILIT,mga bulilit,magpapakita ng talento"
"Boom,boom,shake,shake HINDI KAMI PAHUHULI"

Ilan sa mga yell na malakas na isinisigaw
Na kahit umulan man o umaraw
Sa practice sila'y hindi umayaw

Paslit man sila kung tawagin
Pangarap nila'y,'wag niyong bubuwagin

📝PRINCESS KATRINE OFFECIAR
Ang Talas Journalist

Mga aktibong TROOP LEADERS ng Cordon South Central School Annex sa pangunguna ni Ginang Cathyrine Valdez Camp Directress...
20/10/2024

Mga aktibong TROOP LEADERS ng Cordon South Central School Annex sa pangunguna ni Ginang Cathyrine Valdez Camp Directress ng School-Based GSP-BSP Encampment 2024.

Sa inyong sakripisyo na matuto ang mga mag-aaral sa aktibidad na ito ay hindi kailanman mapapantayan ng anumang bagay. Hand SALUTE!

✍🏻 Julyn Angel Zen P. Cutaran
Ang Talas Feature Writer

Address

Sitio Bimmangon Quirino, Cordon
Isabela
3312

Telephone

+639354666723

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Talas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category