15/09/2023
Romans 1:20
For since the creation of the world God’s invisible qualities — his eternal power and divine nature — have been clearly seen, being understood from what has been made, so that men are without excuse.
May Creator. Hindi na natin kailangang akyatin ang langit para makita natin ang Dios. Subukan nyong magbiyak ng niyog. Di ba’t ang linis ng tubig sa loob? Hindi ba kayo nagtataka? Paano nangyari yun? Dun pa lang malalaman nating may designer talaga.
Ang mga halaman, halimbawa, pare-pareho lang naman ang nutrients na sinisipsip sa lupa, pero iba-iba ang bunga. May sinigwelas, mangga, aratiles, kaimito. Pare-pareho lang nakaugat sa lupa, pero ang bungang naglalabasan, ibaiba ang hitsura, ang kulay at ang lasa.
Kaya nga, walang puedeng magsabing, “Hindi ko naman kasi nakita ang Dios. Huwag mo akong sisihin na di maniwala kasi wala naman akong nakitang proof.” At ang lagay, ang lahat ay tsamba? Bakit kusang kumukurap ang mga mata natin? Bakit pumipintig ang puso natin kahit natutulog tayo? The invisible nature of God is seen through the visible things that he created.
Di ba pag nakakita tayo ng siga ng apoy, alam nating may nagsindi nun? Pag nakita nating may bakas ng hayop, alam nating may dumaan dun. Sa buhay man natin, mababakas din ang tatak ng Dios. Kailangan pa ba natin syang makita literally para maniwala?