29/10/2025
SANA ALL MAY KANGITIAN
Saw this picture online and suddenly gumana na naman ang aking mala-nobelang pag-iisip. And I love it. Hindi man ako nakakapagsulat ng libro, dito man lang sa FB e magawa ko.
I spend 30 minutes for every post like this.๐ฅฐ
Anyways, thank you so much po sa Wellness Break, Mahal naming Sec. Sonny Angara. Teachers really deserve it. Others may not understand why teachers need to have wellness break.
Others say, " Anlaki-laki naman ng sahod nila tama lang ang trabaho nila."
Most often they will say, " Bakit kailangan pa nila ng wellness break 5 days na nga lang silang pumapasok. May mga suspension pa ng classes. "
Di ba nakakalungkot? Di nila naiintindihan kasi di sila mga g**o. Di nila nararamdaman ang nararamdaman ng mga g**o. Di rin nila nararanasan ang nararanasan ng mga g**o. At di rin nila alam kung gaano ka-complicated ang utak ng mga g**o. Samo't sari ang isipin.Samo't saring concerns.
You'll never understand the plight of teachers unless you belong to the group. Teachers may have high salaries pero anlaki laki rin ng kaltas. Minsan mas malaki na ang kaltas maysa sa sinasahod ng mga g**o. Anlaki laki ng tax. Tapos kukurakutin lang. Nakakalungkot. Nakakapanghina.
Bago pasukan, enrolment, Brigada Eskwela tapos training ng teachers. Halos wala ng pahinga mga g**o bago nag-umpisa ang klase. Iyon sanang 1 week bago ang pasukan e maayos na lahat, tapos na ang paglilinis, wala ng training at naghahanda na lamang tayo ng ating mga gagamitin sa pagtuturo.
Relaxed.
Masaya.
Kalmado.
Handang-handa.
Epektibo.
Iyong feeling na pagod na pagod ang katawan at ISIP mo tapos pasukan na naman. We tried to teach well of course trabaho namin iyon pero ang stress na kaakibat ay di mawawala. Naiipon lang.
Sunod sunod na ang trainings, activities, paligsahan at mga natural hazards na talaga namang hinahamon ang aming mga pasensya, lakas at ang tinatawag nilang resilience.
Isabay pa ang mayat mayang trainings. Inilunsad din ang ating ARAL PROGRAM na kahit sabihin nating di sapilitan at may overtime pay ay nakaragdag din sa isipin ng mga g**o. Sino naman di gustong kumita ng extra lalo't kakarampot na lamang ang sinasahod? Siya pang allowance ng mga anak.
Nagkumahog din ang karamihan dahil sa ECP. Though para sa benefits din ng mga g**o ang ECP at wala kaming reklamo doon kasi para naman sa amin pero aminin natin na marami sa oras natin ang ginugol natin dito. Iyong level ng pagod mo ibang level na. Nagturo ka naman. Quality ba? Nagtatanong laang.
Bakit hindi noong bakasyon o kaya sa bakasyon nalang para di maapura si maestra. Dahil sa budget? Siyempre dapat iintindihin namin iyon. Namamalimos tayo ng kakarampot na budget kumpara sa mga bilyon-bilyong budget ng konstruksyon. We have 22 classrooms built on 2025. Should we be glad? Salamat po sa budget. Malaking tulong narin po sa amin. Sana lang may dagdag pa po.
Salamat po sa ECP. We do appreciate your efforts to elevate the situations of teachers. Malaking bagay nga naman sana ang 8k ba or 11k not sure though na dagdag sahod ng mga g**ong marereclass?
NUNCA malaki din diyan kakainin ng tax and other deductions. Thank you parin po kahit paano may dagdag.
We do appreciate po all efforts of the Department and the government to alleviate our status. Alam po naming lagi kami sa inyong isipan. Maraming salamat po. Sana po makaisip pa po kayo ng mga paraan na naglalayong pagaanin ang sitwasyon ng ating mga kaguruan.
Going back.
Hindi mo maiintindihan kung di mo mararanasan ang mga sabay sabay na gawain. Nakaka-drain ng energy, ng utak at ng resources narin. Mas nakakapagod. Kapag sabay sabay na halos dina ma-accommodate ng utak. Makabagtit nga kuna da. Kahit nakauwi kana, nakatulog nat lahat hanggang sa panaginip dala dala parin ang trabaho. Kaya mo?
Though we are doing our bests as public๐ servants, may hangganan din, may limitasyon din ang ating mga katawan. Salamat po sa HEALTH BREAK. Kahit paano naaasikaso ng mga g**o ang kanilang tahanan. Naipagluluto ang mga kapamilya. May oras para matulog nang maayos at kahit paano, nakakapagrelax . Higit sa lahat nakapag-uwi ng trabaho. ๐๐
RIGHT? Aminin natin, karamihan sa mga g**o nag-uwi parin ng gawain. Inuwi ang test papers para ma-check. Nagrerecod, nagcocompute ng grades, gumagawa ng reports kahit break. Singit singit ba kapag may oras para siya pang gagawin sa pasukan.
Aanhin mo naman ang wellness break kung stressed ka naman agad pagpasok. Kaya karamihan sa mga kaguruan magwellness break kunwari pero nagtratrabaho parin mga yarn. Iyong tipong Work From Home na may kaunting wellness break. Saan ka pa? ๐
Anyways, choice nila un. Pwede namang purong WB kung ano ang nanaisin at saan komportable. My point is, teachers are still doing their work despite on wellness break. That's a FACT . Hindi Yan maikakaila. Meron namang rumaraket pero it's their choice.
And since they've been doing that na talaga namang di mo na matatawaran ang komitment at dedication nila, NGITIAN MO SILA. Instead of criticizing them of this well-deserved break-NGITIAN MO SILA.
Tell them how well they're appreciated-their efforts, love and commitment to work. We don't work for applause pero ano lang ba ung NGITIAN MO SILA so they know we support them and we understand their plight.
Appreciate them. Smile at them. Your smile matters.
Hindi madaling maging g**o. Know that we care for them.That we love them. Smile at them.
SANA ALL MAY KANGITIAN.