Taga Angadanan ka kung

Taga Angadanan ka kung Interactive Community Media Outlet
Angadanan updates
Free Business/Product Promoting for Angadeños

04/12/2024
13/11/2024

Good evening po sa ating lahat! Mabilisang weather update po tayo.

Ayon po sa 8:00 PM report ng DOST PAGASA ngayong gabi (13 Nov 2024), isa pa rin po ang Bayan ng Angadanan sa mga nakapasa-ilalim sa TCWS Signal No. 1 sa lalawigan ng Isabela.

Sa ilalim ng DepEd Order No. 37, AWTOMATIKONG WALANG PASOK ANG PRESCHOOL HANGGANG SENIOR SCHOOL BUKAS (14 Nov 2024).

Para naman po sa kolehiyo, susundin po natin ang Memorandum No. 229, s. 2024 mula sa inyong University President sa ISU.

Ibig sabihin, WALA PONG PASOK MULA ANTAS (Preschool hanggang College) BUKAS (14 Nov. 2024).

Sa mga nagtatanong po kung kailan magkakaroon ng kuryente, kasalukuyan pa din pong ginagawa ng ISELCO I ang mga poste na natumba sa ating bayan. Inaasahan po na hanggang Biyernes ay maibabalik po ang kuryente sa atin.

Tuluy-tuloy po ang mga updates natin tungkol kay Bagyong Ofel. Ingat po tayong lahat!



Local Government Unit of Angadanan

12/11/2024

Wind Signal No. 1 Itinaas na sa kabilang ang eastern , , at northeastern

12/11/2024

UPDATE: Severe Tropical Storm ( ), lumakas pa ng bahagya at malapit na maging TYPHOON category, ayon sa latest ng Japan Meteorological Agency.

May lakas na itong 110 km/h at bugsong papalo sa 130 km/h, habang kumikilos papuntang kanluran-hilagang kanluran.

Inaasahang maglalabas ang PAGASA ng Tropical Cyclone Update (TCU) mamayang 10 PM, at bulletin mamayang 11 PM.

10/11/2024

Maagang announcement po para sa lahat!

Katatapos lamang po ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) meeting natin kasama ang buong Municipal Disaster Risk Reduction Management (MDRRM) Council ngayong hapon. Napagusapan po ang updates tungkol sa bagyo at ang iba pang mga paghahandang kailangang gawin ng lahat ng opisina ng Local Government Unit of Angadanan at ng mga barangay.

Bilang paghahanda sa paparating na bagyo at para sa kaligtasan ng lahat, ang PASOK SA LAHAT NG ANTAS (preschool to college) AY SUSPENDIDO BUKAS (11 Nov 2024).

Muli, ayon po sa mga update ay dadaan o tatama sa Isabela ang bagyo bukas. Kaya naka-RED ALERT po tayo.

Ingat po tayong lahat!

08/11/2024

Good morning po sa ating lahat! ☕️

Ayon po sa 5:00AM ng DOST PAGASA ngayong umaga (08 Nov 2024), ang Bayan ng Angadanan po ay nakapasa-ilalim na lamang sa TCWS Signal No. 1.

Bumaba na po o downgraded ang Signal No. natin ngayong umaga.

Tulad po ng announcement natin kagabi, AWTOMATIKO pong WALANG PASOK ang PRESCHOOL TO SENIOR HIGH SCHOOL NGAYONG ARAW (08 Nov 2024), dahil sa DepEd Order No. 37, s. 2022.

Para sa college students na kagabi pa nag-aabang, gising na! Magtimpla na kayo ng mainit na kape at maghanda na ng almusal. May pasok kayo ngayong umaga. Wag sayangin ang araw at madaming pwedeng matutunan! 👍🏼

Ingat po tayong lahat!

Local Government Unit of Angadanan

07/11/2024

23/10/2024
23/10/2024

Address

Angadanan
Isabela
3307

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Taga Angadanan ka kung posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share