10/08/2026
πππππ§ππ‘π πππ£ππ¦πππππ | Malugod na tinanggap ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman noong Agosto 5 ang mga batang manlalangoy na sina Jessel Vianney Sta. Teresa ng Basilan National High School at Muslimin Andami ng Tampalan Elementary School matapos ang kanilang matagumpay na paglahok sa PAI Region IX Short Course Swimming Competition sa Dapitan City noong Hulyo 11β12. Kapwa kinilala ang mga atleta bilang Most Outstanding Swimmer sa kanilang age categories. Nakamit ni Sta. Teresa ang gintong medalya sa 50-meter backstroke at 100-meter breaststroke, bukod sa iba pa niyang medalya, habang nag-uwi naman si Andami ng ginto sa 100-meter freestyle at 50-meter breaststroke, kasama ang iba pang medalya sa kompetisyon.
Pinuri ni Mayor Turabin-Hataman ang dedikasyon, disiplina, at husay ng dalawang atleta na nagbigay ng karangalan sa kanilang paaralan at komunidad, at hinikayat silang ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap sa larangan ng swimming. Muli silang sasabak sa PAI Region X Short Course Swimming Competition Leg 2 sa Iligan City noong Agosto 8β9 upang muling kumatawan sa Basilan at Lungsod ng Isabela. Kasama sa pagbisita ang kanilang mga coach at mentors, si BNHS OIC Principal at Division Sports Officer Dr. Arnel Hajan, at CIO Mendry-Ann Lim na nagpahayag ng suporta sa mga batang atleta.