08/03/2025
Ang tulang ito'y para sa mga kababaihan
ang tunay na lakas ng lipunan
mga mahahalagang nilalang
na nararapat isaalang alang at hindi basta basta lamang
K-A-B-A-B-A-I-H-A-N
K-ilalanin, wag basta basta laitin
kung ito'y kikilatisin
magiging kapansinpansin
dahil kung wala sila'y tayo'y wala rin
A-lalahanin, hindi kasarian ang sukatan
upang masabing may kalakasan
wag sabihing wala silang silbi sa lipunan
dahil sila'y isa sa dapat pagtuunan!
B-abae, lamang?
ito ang mga katagang laging sinasambit ng karamihan
ngunit di nila alam
sa lahat ng pagkakataon sila ang maaasahan
A-aray, ngunit hindi sumusuko
masasakta't madadapa ngunit patuloy na babangon ito
pinagdaanang madudugo
patuloy na tumatayo at humahayo
B-uhay, sila ang instrumento nito
kung wala sila? malamang di mo nasilayan ang mundo!
sakripisyo nila'y sadyang di biro!
kaya dapat lang na sila'y ating irespeto!
A-alagaan, kapag ika'y may dinaramdam
tiyaka mo sasaktan pag wala ka ng kailangan?
hindi ba't napaka malapastangan?
ngunit ika'y tinatanggap parin ng walang alinlangan.
I-mpluwensiya nila'y siyang nag iilaw
upang kinabukasa'y matanaw
liwanag nilang nagniningning
patuloy sanang pakinangin
H-aplusin, patuloy na yakapin
huwag lalapastanganin
mga aral nila'y katuwang natin
Ito'y dapat patuloy na pagyamanin
A-asahan sa tuwing wala ng matatakbuhan
pagamahal nila'y laging laan
pagtanggap nila'y katuwang
sa kabila ng ating kabigua't nakaraan
N-agsusumikap, patuloy na kumikislap
sa bawat galaw nila'y kaligayahan ang malalasap.
kung kaya naman Kababaihan ay ating pahalagahan
at patuloy na suportahan
dahil itong Sampung letra ,
sa pamayana'y napakahalaga
Hindi basta basta,
Kaya't kailangan ng pangangalaga
Likha ni:
Bb. Fhel Joy B. Cabadido - Pico