01/06/2026
Pastor, huwag mong akuin ang laban na para sa Diyos. 🙏
Sa I Samuel 7:7-14, habang si Samuel ay nananalangin, ang Diyos mismo ang kumilos at nagbigay ng tagumpay sa Kanyang bayan.
Bilang pastor, madaling mabigatan sa mga problema ng ministry, mga kritisismo, at mga inaasahan ng tao. Pero tandaan: hindi ikaw ang tagapagligtas ng iglesia. Ang gawain ay sa Diyos, at ang tagumpay ay mula sa Diyos.
Kapag mabigat na ang laban, huwag umasa lang sa sariling lakas. Manalangin at magtiwala. Ang Diyos na tumawag sa'yo ay Siya ring lalaban para sa'yo. ❤️
"Hanggang dito ay tinulungan tayo ng Panginoon." 🙌