24/08/2026
Isang buwang puno ng sining, kultura, at pagpapahalaga sa ating pambansang wika!
Ang Diki Elementary School ay kaisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”
Ating ipinagdiriwang ang pag-unlad ng ating wika kasabay ng makabagong teknolohiya—mula sa panimulang hakbang sa pananaliksik, hanggang sa pagmamalaki ng ating katutubong pamana gamit ang Yakan-inspired attire, Filipiniana, at Tausug at Sama-inspired na kasuotan. Patunay lamang na ang ating tradisyon at hinaharap ay magkaagapay!
Sama-sama nating gamitin ang Wikang Filipino at AI bilang tulay sa malalim na kaalaman at pagkakaisa ng bawat kulturang Pilipino!