24/02/2026
Hindi man tayo kasal, pero araw-araw pa rin kitang pinipili
Hindi dahil kailangan, kundi dahil gusto.
Gusto kong gisingin ka tuwing umaga, kahit pagod, kahit minsan hindi tayo nagkakaintindihan
Hindi man tayo kasal, pero sabay nating hinarap lahat
yung hirap, yung pagod, yung mga gabing tahimik pero mabigat
Sabay tayong natutong maging matatag, hindi lang bilang mag-partner, kundi bilang magulang
bilang magkaibigan, bilang dalawang taong piniling manatili kahit mahirap
Wala tayong seremonya, wala tayong singsing,
pero meron tayong mga alaala
mga tawanan sa gitna ng pagod,
mga yakap sa gitna ng lungkot,
at mga planong kahit di sigurado, sabay pa rin nating tinatahak.
Hindi man tayo kasal, pero ikaw ang tahanan ko.
Yung braso mo ‘yung pahinga ko,
yung boses mo ‘yung ginhawa sa magulong mundo
At alam mo, love
hindi ko kailangan ng papeles para patunayan kung gaano kita kamahal.
Kasi ramdam ko, sa bawat araw na magkasama tayo,
doon pa lang, kasal na tayo sa puso ng isa’t isa.
Hindi man tayo kasal, pero buo tayo.
Hindi man tayo kasal, pero ikaw ang pinili kong habang buhay
Hindi man tayo kasal, pero sa bawat araw na lumilipas
pinapatunayan nating mas matibay pa minsan ang relasyon na pinanday ng hirap
kesa sa relasyong ginastusan ng marangyang kasal Kaya Salamat love
Dahil kahit sa hirap at ginhawa
ikaw pa rin ang pinipili ko
araw-araw, paulit-ulit, at buong puso😘