Trip tayo

Trip tayo Tara, trip tayo, kain tayo, kahit saan, kahit kelan!

20/01/2026

Nakatikim ka na ng milo nuggets? Isa ito sa mga Malaysian snacks na nabili ko sa Tawi-Tawi

18/01/2026

100 pesos food challenge: Sobrang mura ng mga Indian food sa Davao City kasi may community ng mga Indian students and migrants dito. Ni-try ko kumain dito sa Spice Up sa Marfori and first time ko makatikim nitong chicken and cheese dosa and of course, di mawawala ang favorite kong lassi! Both orders, 100 petot lang!

TAWI-TAWI SUNSETGumising ako nang maaga para makita ang sunrise sa Chinese Port sa Bongao, Tawi-Tawi. Isa na yata ito sa...
10/01/2026

TAWI-TAWI SUNSET

Gumising ako nang maaga para makita ang sunrise sa Chinese Port sa Bongao, Tawi-Tawi. Isa na yata ito sa pinakamagandang sunrise sa Pilipinas

07/01/2026

Iba pala ang pastil nila sa Tawi-Tawi. Ang popular na pastil ay 'yung kanin na may shredded chicken or fish na binalot sa dahon ng saging pero ang pastil sa Tawi-Tawi ay parang hollow na empanada na may palamang bihon or toge na sinasawsaw sa medyo matamis na s**a. Ang kilala nating "pastil", ang tawag nila sa Tawi-Tawi ay patil.

04/01/2026

Na-excite ako nang makakita ng martabak sa Bongao Public Market sa Tawi-Tawi kasi trending 'to sa Tiktok tapos nung natikman ko, magkaibang-magkaiba pala ang Malaysian martabak sa Indonesian martabak hahaha. Open itong stall araw-araw pero every 3pm lang available ang martabak

01/01/2026

Sa Tawi-Tawi lang ako nakakita ng sobrang dami na iba't-ibang klase ng isda na di ko ma-imagine na nag-iexist. Sobrang sasarap nilang lutuin! Sa dami ng isdang binibenta sa palengke nila, hindi nila ito kinikilo. Nakatumpok lang at kadalasan, P100 lang ang benta kada tumpok. Amazing!

30/12/2025

Kopiko ng Malaysia vs Kopiko ng Pilipinas, alin mas masarap?

28/12/2025

Matagal ko nang gusto puntahan ang pink mosque na'to sa Maguindanao del Sur and I finally did! Masjid Dimaukom was opened in 2014 so understandable na may mga natutuklap nang pintura sa gate and mismong sa facade ng mosque pero maganda at majestic pa rin naman siya.

26/12/2025

Pumunta ako sa isang liblib na sitio sa Upi, Maguindanao del Norte, kung saan naninirahan ang mga peace-loving at spiritual indigenous people, Tëdurays. Walang government access, hirap puntahan, biktima pa sila ng discrimination tapos inaagaw pa ang mga lupa nila. Their struggles need to be heard.

23/12/2025

Maayo pa sa Kidapawan, naay pa-lights-lights nga ingun ani. Sa Davao, wa gyud!

12/12/2025

Super legit, lahat ng pinakamasasarap na mga pagkain, nasa Tawi-Tawi lalo na Malaysian food. Natikman ko ang pinakamasarap ng mee goreng sa buong Pilipinas sa Bongao Public Market for only P60. Di ko rin makalimutan 'yung mee bandung na P90. Warning lang, mahilig sila sa maaanghang! Sarap!

10/12/2025

After seeing SB19 perform Dam at Kalimudan Festival, legit isang buwan nang naka-loop sa playlist ko hahaha. Bitin 'yung performance, gusto ko tuloy panoorin buong concert nila hahaha. I love senior citizen a'tins, anlakas manlibre hahaha

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Trip tayo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Trip tayo:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share