Kiko Bam Sultan Kudarat

Kiko Bam Sultan Kudarat Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kiko Bam Sultan Kudarat, Digital creator, Isulan.

06/12/2025
06/12/2025

December 3 is International Day of Persons with Disabilities 🙌🏼

Sa mga hindi po nakakaalam, lahat pong Persons With Disability ay awtomatikong miyembro ng PhilHealth!

Ipinaglaban natin ang Mandatory PhilHealth Coverage for Persons with Disability Law dahil naniniwala tayong may karapatan ang mga kababayan nating may kapansanan na magkaroon ng access sa mga serbisyong-medikal 👍🏼🩺🏥

02/12/2025
02/12/2025

Sa Trillion Peso March, malinaw ang mensahe nating lahat: 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗿𝘂𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗻𝗮𝗸𝗮𝘄 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝘄𝗶𝘀 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘂𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗯𝗮𝘄𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗻𝘂𝗹𝘀𝗮. At hindi dapat magtapos ang pananagutan sa pagkakakulong o pagbawi ng nakaw na pondo; 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗿𝗲𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮 para matiyak na hindi na mauulit ang pang-aabuso sa kaban ng bayan.

Kasabay ng panawagan para sa pananagutan, nananawagan din ako sa ating mga kababayan na 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗺𝗮𝘁𝘆𝗮𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗼 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 ₱𝟭.𝟯𝟴 𝘁𝗿𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗼𝗻𝗱𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗲𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 — ang pinakamalaki sa kasaysayan. Dapat nating bantayan na mapunta ito sa mga silid-aralan, sa nutrisyon ng mga estudyante, at sa Libreng Kolehiyo — edukasyon, hindi korapsyon. Ito ang dahilan kung bakit isinusulong ko ang 𝗖𝗔𝗗𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗰𝘁 𝗼 𝗕𝗹𝗼𝗰𝗸𝗰𝗵𝗮𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗕𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗕𝗶𝗹𝗹: para ang pera ng taumbayan, mabantayan. ❤️🔥🇵🇭

02/12/2025
02/12/2025

Healthy Buhay campaign image nung 2022! Talaga namang hindi tayo magiging ALL PURPOSE KWEEN kung hindi tayo healthy! 💪🏼💪🏼

02/12/2025
02/12/2025

𝗔𝗻𝗴 ₱𝟲𝟳𝗕 𝗻𝗮 𝗽𝗼𝗻𝗱𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗹𝗲𝗵𝗶𝘆𝗼 𝗮𝘆 𝗽𝘂𝗵𝘂𝗻𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻. 🎓

Kaya dapat nating bantayan ang bawat piso para siguradong napupunta ito sa 𝗲𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗮 𝗸𝗼𝗿𝗮𝗽𝘀𝘆𝗼𝗻.

May pondo nang nakalaan, pero hindi pa tapos ang laban. Papasok pa tayo sa bicam — at dito pinakamahalaga ang pagbabantay para hindi mabawasan ang budget para sa Libreng Kolehiyo.

𝗕𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻. 𝗜𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻. 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻. ❤️🔥🇵🇭

*𝘚𝘢 𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘺𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘯𝘢𝘬𝘢-𝘭𝘪𝘷𝘦𝘴𝘵𝘳𝘦𝘢𝘮 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘤𝘢𝘮 𝘤𝘰𝘯𝘧𝘦𝘳𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘣𝘶𝘥𝘨𝘦𝘵. 𝘉𝘶𝘬𝘢𝘴 𝘴𝘢 𝘱𝘶𝘣𝘭𝘪𝘬𝘰, 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵.

25/11/2025
25/11/2025

Ang mga anomalya sa flood control ay hindi lang usapin ng maling paggamit ng pondo — usapin ito ng tiwala ng taumbayan. Kaya mula noon pa lang, malinaw na ang ating panawagan: 𝗶𝗸𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗼𝘁. 𝗜𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝘄 𝗻𝗮 𝗽𝗲𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝗴𝘂𝗵𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝘀𝘁𝗲𝗺𝗮.

At gaya ng sinabi natin sa mga nagdaang pagdinig, 𝘀𝗮𝗻𝗮 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗺𝗮𝗴𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗸𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 — dahil ito ang inaasam-asam na hustisya ng mga Pilipinong ilang buwan nang naghihintay ng pananagutan.

Mahalaga rin ang naging aksyon ng DPWH na mag-file ng kaso sa Philippine Competition Commission upang mapanagot ang mga nagsabwatan sa pamamagitan ng bid rigging at 𝗺𝗮𝗯𝗮𝘄𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝘄 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝘂𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻.

Pero hindi matatapos sa pagsampa ng kaso ang laban. Para tuluyang mabago ang sistema, kailangan natin ng totoong reporma. Ito ang layunin ng panukalang batas natin na 𝗖𝗔𝗗𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗰𝘁, 𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗹𝗼𝗰𝗸𝗰𝗵𝗮𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗕𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗕𝗶𝗹𝗹 — isang mekanismong maglalagay ng pondo ng bayan sa isang bukas, traceable, at tamper-proof na sistema, para 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗽𝗶𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆𝗮𝗻.

𝗜𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗵𝘂𝘀𝘁𝗶𝘀𝘆𝗮. 𝗜𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗻𝘂𝗺𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻. ❤️🔥🇵🇭

Address

Isulan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kiko Bam Sultan Kudarat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share