
02/09/2025
Buhay Unang Baitang
Ilang araw na hindi nakapasok sa paaralan ang bata.
Oras na ng pagsusulat ng pangalan sa papel.
Nakatulala ang isang bata hawak ang maliit na lapis.
Magsulat na ng pangalan sa inyong papel. Subalit nakatitig ang bata sa g**o.
Tiningnan ng g**o ang papel ng bata. May nakasulat na isang haba sa unahan nito.
Muling sinabi ng g**o na isulat na ang pangalan sa papel subalit nakatitig lang ang bata sa g**o.
Nakalimutan na pala ng bata kung paano isusulat ang kanyang pangalan.........
Ipinalabas ng g**o ang kopyahan ng pangalan na dati ng nakasulat sa kanyang kuwaderno upang ito ay gayahin.
Matapos muling turuan ng paulit-ulit ang bata ay nakaya na nitong sumulat ( ang ganda pa ng sulat niya habang nakabantay ang g**o).
Sabi ng g**o sa bata ay muling sumulat ng kanyang pangalan habang pinapabasa muna ng g**o ang ilang mga bata.
At dahil wala na sa tabi nya ang g**o,..........
Ito ang kinalabasan ng kanyang ginawa.
Hindi naman pwede na puro na lang siya ang babantayan. Paano naman po ang ibang bata na nalimutan na rin ang tamang pagsulat at pagbasa. ( Ganyan po sa Grade I na sobrang busy po yata ang mga magulang sa araw-araw nilang pamumuhay. Ulit po lagi sa simula ang g**o).
Sa mga magulang, pagsusulatin nyo naman po sana at pababasahin ang bata kapag walang pasok o hindi nyo pinapapasok ang inyong anak. Pinagsumikapan na po ng g**o na matuto ang bata. Napahusay na po ng g**o ang inyong mga anak. Malaking tulong po na kahit paano ay susulat at babasang muli ang bata sa inyong tahanan upang mas mahasa at hindi makalimot. Maraming salamat po mga mahal kong magulang.✌️ 😂 😭