28/08/2025
Gusto mo bang mapanatili ang ganda at buhay ng kulay ng buhok mo? Heto ang ilang epektibong tips para sa colored-treated hair para magtagal ang kulay.
1. Gumamit ng sulfate-free shampoo at conditioner
Ang sulfate ay nakaka-strip ng natural oils at kulay.
Piliin ang mga produkto na specifically for color-treated hair.
2. Huwag madalas mag-shampoo
Shampoo nang 2–3 beses lang sa isang linggo kung posible.
3. Maligo ng regular na lamig ng tubig.
Ang mainit na tubig ay nagbubukas ng cuticle at nagpapadali ng fading ng kulay.
4. Iwasan ang sobrang init
Heat styling (straightener, curling iron, blow dryer) ay nagpapabilis ng pag-fade ng kulay.
Gumamit ng heat protectant spray kapag gagamit ng styling tools.
5. Mag-deep condition regularly
Colored hair is more prone sa dryness.
Gumawa ng deep conditioning treatment once a week para hydrated at healthy.
6. Protektahan sa araw at chlorine
UV rays at chlorine sa swimming pool ay pwedeng mag-fade ng kulay.
Gumamit ng UV-protectant hair spray o swim cap kapag lalabas sa araw o sa pool.
7. Avoid harsh chemicals
Limitahan ang paggamit ng heavy styling products na may alcohol o strong chemicals.
Iwasan din ang frequent coloring para hindi masira ang hair strand.
8. Trim regularly
Ang split ends ay nagpapapangit ng kulay at texture.
Mag-trim tuwing 6–8 weeks para fresh ang hitsura.