16/11/2025
Sultanate of sulu
Sa loob ng humigit-kumulang 510 na taon, nanatiling makapangyarihan at malaya ang teritoryong kilala bilang Sultanate of Sulu, isang kahariang kinikilala hindi lamang sa lakas-militar nito kundi pati na rin sa lawak ng sakop at impluwensiya sa buong Sulu Archipelago, bahagi ng Mindanao, at maging sa ilang teritoryo ng Sabah.
Sa kabila ng matinding pananakop ng mga Kastila sa malaking bahagi ng kapuluan, ang Sultanato ng Sulu ay hindi kailanman tuluyang nasakop nila. Nananatili itong may sariling pamahalaan, hukbo, batas, at matibay na sistemang pampolitika sa tradisyong Tausug at Islam.
Sa huling yugto ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas, nakita ng Estados Unidos ang lakas at makapangyarihang puwersa ng Sultanate. Dahil dito, ginamit nila ang diplomasya, nangako, at nakipagkasundu na isang taktika lamang o panlilinlang. Nilapitan nila ang Sultan ng Sulu at ipinangakong hindi sila guguluhin, kapalit ng paglagda sa isang kasunduang nagpapakita umano ng kooperasyon at kapayapaan. Ang totoo, ang layunin ng mga Amerikano ay mapanatiling neutral ang hukbo ng Sultanate, upang hindi ito makisali sa mas malaking pag-aaklas laban sa kanila.
Ngunit matapos nilang makuha ang kanilang pakay, hindi tumupad sa kasunduan ang mga Amerikano. Isa-isang pinasok, sinupil, at tuluyang sinakop ang mga teritoryo ng Sultanate. Sa pamamagitan ng tinatawag na Carpenter Agreement noong 1915, idineklarang wala nang pampolitikang kapangyarihan ang Sultan ng Sulu, isang hakbang na pormal na nagwakas sa soberanya ng kaharian.
Sa panahon ng kaniyang pamumuno, ang pamilya ng Sultan, lalo na si Sultan Jamalul Kiram II, ay kinikilalang kabilang sa pinakamayayamang pamilya sa buong Asya. Ang yaman ng Sultanato ay nagmumula sa kalakalan, pag-aaring mga isla, teritoryo, at malawak na impluwensiya sa rehiyon.
Si Kiram II ang huling Sultan huling naghari bago tuluyang nawalan ang kapangyarihan nila. Siya ay pumanaw noong 1936, panibagong marka sa pagtatapos ng isang napakahalagang yugto sa kasaysayan ng Sulu at ng buong Mindanao.
Sa kabuuan, ang kwento ng Sultanate of Sulu ay isang makapangyarihang paalala na bago pa man dumating ang mga mananakop, may matatag nang mga kahariang ang Pilipinas, na may sariling pamahalaan, kultura, at lakas. Ang kanilang kasaysayan ay isa sa pinakamahaba sa buong Timog-Silangang Asya.