15/06/2025
Papa,
Ngayong Father’s Day,
Ang dami kong gustong sabihin
Pero wala ka na,
Hindi man kita mahawakan,
O marinig ang boses mong tahimik ngunit buo,
Naririnig ko pa rin sa puso ko
Ang bawat paalala mong hindi ko noon gaanong pinansin.
Ngayon, naaalala at dinadala ko.
Naalala ko yung mga araw
Na pagod ka sa trabaho pero ngumiti ka pa rin.
Yung mga sermon mong parang paulit-ulit
Na nagsisilbing gabay sa bawat desisyon ko.
You weren’t showy,
Pero ramdam ko ang pagmamahal mo.
In your silence, I felt your strength.
In your eyes, I saw your hopes for us.
Papa,
Hindi man kita nabigyan ng perfect na “thank you” habang nandito ka pa,
Sana ngayon, naririnig mo ako:
Salamat. Sa lahat.
Sa sakripisyo, sa pag-aaruga,
Sa pagiging tatay kong walang kapalit.
Kung may hiling ako ngayon,
Sana’y proud ka sa akin.
Sana’y nararamdaman mo,
Na kahit wala ka na sa mundo,
Hindi ka kailanman nawala sa puso ko.
Happy Father’s Day in heaven, Papa.
I miss you every day.
And I love you, always.