24/09/2025
๐จ๐ฆ๐ ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ป๐ฒ, ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ป๐ฒ ๐๐ฒ๐ฒ๐ธ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐๐๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป
Nakiisa ang University of Southern Mindanao- College of Medicine sa selebrasyon ng medicine week ng Philippine Medical Association, North Cotabato, Medical Society.
Tema ng medicine week ngayong taon ay โManggagamot at Mamamayan, Magkaisa itaguyod ang Health for Peopleโ.
Tampok sa naturang selebrasyon ang pagsasagawa ng Public Health Advisories, forums at iba pa na magpopromote ng health awareness sa komunidad.
Sa panayam kay Dr. Josephine Buison, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagtugon sa malnutrisyon sa mga bata. Aniya, mahalagang mabigyan ng sapat na nutrisyon ang mga bata mula sa sinapupunan hanggang sa paglaki nito.
Paliwanag niya, sa murang edad nagsisimulang madevelop ang kanilang utak, buto at kalamnan kaya mahalaga na mabigyan sila ng sapat na nutrisyon at masustansyang pagkain. Ito rin ang panahon na tinuturuan sila ng tamang asal sa pagkain kaya mahalaga aniya na maging huwaran ang mga magulang sa mga bata para sa kanilang pagkatuto at paglaki na may malusog na isip at pangangatawan.