03/09/2026
๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค ๐๐ฉ ๐ผ๐, ๐๐๐ข๐ฅ๐ค๐ ๐จ๐ ๐๐๐๐๐๐ง๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐ช๐ฌ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐
Sa pagsasanib ng wikang Filipino at makabagong teknolohiya, ipinagdiwang sa Kabankalan National High School ang Buwan ng Wikang Pambansa 2026 ngayong ika-tatlo ng Sityembre sa temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ
Ang layunin ng selebrasyong ito ay ipakita ang halaga ng wikang Filipino habang ginagamit ang AI nang matalino at responsable.
Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral at mga g**o sa loob ng eskwelahan upang makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026. Ang lahat ay naghanda at nagsuot ng mga tradisyonal na kasuotang Pilipino bilang simbolo ng ating pagkakakilanlan at pagpapahalaga sa ating kultura at tradisyon.
Nagsimula ang programa sa pag-parade ng mga g**o. Kanilang ipinakita ang kanilang magagandang kasuotan. Pinangunahan ito ng mga g**o sa Filipino, master teachers, at mga g**o sa iba't ibang baitang.
Matapos ang parada, pormal na binuksan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng mga pambungad na mensahe nina Maโam Ali Flor Medel at Punong-g**o Maโam Rosslyn Mabasa.
Binigyang-diin ni Ma'am Rosslyn Mabasa sa kaniyang pahayag na huwag lamang tayo umasa sa AI, gamitin natin ito nang matalino at responsable. Bigyan din natin ng kahalagahan ang wikang Filipino sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng makabagong teknolohiya at artipisyal na intelehensiya.
Sinundan ito ng pagtatanghal mula sa Specal Program of the Arts at mga piling mag-aaral sa ikalabin-isa at labindalawang bilang na nagbigay-buhay sa programa sa pamamagitan ng kanilang pagtatanghal.
โSa gitna ng makabagong teknolohiya, hindi dapat mawala ang malikhaing puso ng Pilipino.โ
Matapos ang pagtatanghal, sinundan ito ng Pista sa Nayon, kung saan naglibot ang mga g**o at mag-aaral sa bawat mesa upang makita ang iba't ibang pagkaing Pilipino na inihanda ng bawat baitang. Matapos ang pag-iikot, nagsalo-salo ang mga g**o at mag-aaral, na nagbigay-diin sa diwa ng pagkakaisa at pagbabahaginan sa kulturang Pilipino.
Hindi rin nagpahuli ang mga mag-aaral sa mga palaro sa Pista sa Nayon. Aktibong nakibahagi ang bawat baitang sa mga paligsahan, na sinabayan ng hiyawan, tawanan, at pagsuporta habang isinasagawa ang iba't ibang laro.
Matapos ang mga palaro, inanunsyo naman ang mga nagwagi sa iba't ibang aktibidad bilang pagkilala sa kanilang husay at pakikilahok.
Sa pagtatapos ng pagdiriwang, iniwan sa mga mag-aaral ang isang mahalagang paalala tungkol sa paggamit ng AI at sa patuloy na pagpapahalaga sa sariling wika at pagkakakilanlan.
Maaaring mas mabilis ng AI ang paghahanap ng impormasyon at mas madali ang pagbuo ng ideya, ngunit nasa tao pa rin ang pinakamahalagang tungkulinโang magsuri, magtanong, magpatunay, at maging responsable.
Sapagkat maaaring makabuo ng teksto ang AI, ngunit tayo ang nagbibigay ng kahulugan. Maaari itong magbigay ng impormasyon, ngunit tayo ang nagbibigay ng konteksto. Maaari itong maging tulay, ngunit tayo ang nagpapasya kung saan tayo pupunta.
Written by: Shekinah Bandola