23/09/2026
BIGLA AKONG NAKARAMDAM NG HATRED SA AMPON NAMIN NG ASAWA KO WHEN WE HAD OUR BIOLOGICAL SON - NAGSISISI AKO THAT WE LET HIM IN OUR LIFE
16 years ago, inampon namin yung anak ng kapatid ng husband ko. Bata pa siya nun, and mahal na mahal ko talaga siya. I treated him like my own, inalagaan ko, pinag-aral, dinala sa church, and ginawa ko lahat para maramdaman niyang may pamilya siya. For years, siya lang ang anak namin and never kong naisip na darating yung time na magbabago yung feelings ko sa kanya. Pero nung nagkaroon kami ng biological son, dun nag-iba lahat.
Ewan ko ba kung anong nangyari sa akin. Simula nung nagkaroon kami ng sariling anak, parang naging sensitive ako sa attention na nakukuha ng panganay namin. Feeling ko, yung love and time na dapat para sa anak ko, nahahati pa rin dahil sa kanya. Even sa church, naiirita ako kapag siya yung napapansin ng mga tao. May mga nagsasabi pa na mas gwapo raw yung panganay namin, and instead na matuwa ako, nakakaramdam ako ng inis. Parang gusto ko yung biological son ko naman yung mapansin, hindi siya.
Mas lalo akong naiirita sa closeness nila ng husband ko. My husband teaches him different hobbies, spends time with him, and kapag may ginagawa sila together, parang feeling ko may part sa akin na kumukulo. Ilang beses na rin kami nag-away dahil dito. Ang mas nakakahiya aminin, may times na intentionally hindi ko siya pinabaunan sa school kapag galit ako. Kapag may bagsak siya, grabe yung galit ko. At may mga pagkakataon na kapag lumalambing siya sa akin, instead na lambingin ko rin, nasasaktan ko pa siya dahil sobrang irita ko sa kanya.
Ngayon, naiisip ko na ibalik na lang siya sa biological parents niya. After 16 years, ang hirap sabihin pero parang hindi ko na siya kayang mahalin the same way. I even regret sometimes na inampon namin siya because I feel like he’s getting the love and attention that I want to give exclusively to my own child. Gusto ko rin minsan na huwag na siyang isama sa church kasi every time may pumupuri sa kanya, lalo akong naiirita. Alam kong ang sama pakinggan, pero yun talaga yung nararamdaman ko.
Pero eto yung part na hindi ko matanggap sa sarili ko. He was just a child when we took him in. Wala siyang kasalanan na nagkaroon kami ng biological child. Hindi rin niya pinili na maging part ng family namin. For 16 years, ako yung tinuring niyang nanay, tapos ngayon ako mismo yung taong unti-unting nananakit sa kanya. Hindi ko na alam kung paano ko babawiin yung dating pagmamahal ko sa kanya, pero ayoko rin namang umabot sa point na mas lalo ko siyang masaktan dahil lang hindi ko matanggap na nagbago yung feelings ko.