09/05/2025
Bago mo taasan ang boses mo sa asawa mo, tanungin mo muna sarili mo: “Kaya mo ba 'yung buong tao ilabas sa katawan mo?”
Kasi siya, nagawa niya ‘yon.
Ilang oras siyang nakikipaglaban sa sakit na parang pinipilipit siya habang buhay.
Contractions na walang pahinga, parang hinahampas ang kaluluwa niya every few minutes.
Paulit-ulit.
Walang pause.
Walang skip ad.
At kung hindi man siya dumaan sa normal delivery, baka tinusok siya sa spine ng karayom na akala mo pang construction site — epidural.
Pero kahit may anesthesia, gising pa rin siya, ramdam pa rin, takot pa rin.
Pero kinaya niya. Para sa anak n'yo. Para sa inyo.
Wala siyang hinihinging kapalit. Hindi siya naglilista.
Pero sana naman… respeto lang. 'Wag kalimutan.
Alam mo kung anong mas mahirap pa sa labor?
Yung araw-araw niyang pinipiling intindihin ka kahit pagod na siya.
Yung araw-araw niyang pinipiling maging nanay, asawa, sarili — sabay-sabay.
Hindi mo naman kailangan maramdaman lahat ng sakit na dinanas niya para matuto kang umayos.
Minsan, sapat na ‘yung konting empathy at tamang pagtrato.
Kasi ang totoong pagmamahal, tahimik.
Hindi barubal. Hindi pabigla-bigla. Hindi nananakit.
At kung di mo man siya kayang ipagtanggol sa mundo, sana ‘wag ka nang dumagdag sa dahilan kung bakit umiiyak siya sa gabi.
Advance HAPPY MOTHERS DAY sa lahat ng babaeng hindi lang nanganak — pero araw-araw ipinapanganak muli ang tapang, tiyaga, at pagmamahal para sa pamilyang pinili niya.
Kuddos mamshies .. MAHAL KO KAYONG LAHAT.🥰
cttto