
11/12/2024
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
______
Every year na lang tuwing December, nabubuhay ang topic kung dapat bang i-celebrate natin ang Pasko kahit baka hindi naman December 25 pinanganak si Kristo. Kung magiging technical tayo, hanggang ngayon hindi tayo sigurado kung anong exact date pinanganak si Jesus (even the year, kung 1 AD ba or 3 BC or 4 BC). Tahimik ang Gospel records kung anong araw talaga pero nagbigay sila ng "hints" kung kailan posible itong nangyari.
๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ป๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฐ๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ฑ?
Kung hindi naman pala sure, bakit naging December 25? Because we followed the early Christian traditions na magdiwang ng Pasko sa ganitong petsa. Though we cannot deny that other dates were also suggested, it came to a point where the majority chose this date to celebrate. Early Christian leaders like Hippolytus (AD 165-235) and Chrysostom (AD 345-407), together with Christians during their time, ay pinili na ang date na ito para magdiwang. Maraming suggestions ang binigay bakit naging December 25 ang napagkasunduang date. The most common explanation is that this date is linked with the date of crucifixion of Christ during the Passover. Scholars suggest that Christ died on March 25 (date based on Roman calendar). May paniniwala noon na si Kristo ay ipinagbuntis at namatay on the same date. Kaya naging practice na i-celebrate ang kapanganakan Niya nine months after ng March 25. Today, many still consider March 25 as the day that the coming of Christ was announced to Mary and she became pregnant (Feast of Annunciation), and December 25 is the date when Christ was born.
Given the details based on records plus ang binanggit sa Lk 2:1 tungkol sa Augustus' Census, may mga scholars na nagsasabi na maaring naganap talaga ang First Christmas sa winter season. Kung anong particular date during that time, hindi tayo sigurado. Kung pagbabatayan naman ang klima sa Israel at practices ng mga shepherds, may mga studies na nagsasabi na ang unang Pasko ay naganap sometime between December and January, dahil mas maraming damo na tumutubo sa time na ito kaya most likely na pinapagala ng mga pastol ang mga tupa during this time (see Lk 2:8). Pero hindi rin natin matatanggi na may studies din naman suggesting na March, April, or sa iba pang dates, nangyari ang unang Pasko.
๐ช๐ต๐ ๐ฐ๐ฒ๐น๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ ๐ถ๐ณ ๐ถ๐ ๐ถ๐ ๐ป๐ผ๐ ๐ฎ๐ฐ๐ฐ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ?
Sapat ba ang ang uncertainty na 'to para hindi tayo mag-celebrate? Hindi. Let's take note na ang pag-alala sa isang event ay hindi kailangang sa saktong araw kung kailan naganap ang event. The essence of Christmas is always about the birth of the Savior. In other words, hindi essential ang date, ang mahalaga ang nangyari doon sa date. It's unreasonable for anyone na dahil lang sa non-essential detail eh hindi na ise-celebrate ang napaka-memorable na historical event na 'to! Para kang killjoy na hindi pumunta at nakisaya sa Pre-Birthday Party ng closest friend mo dahil lang hindi naman 'yun ang birthday niya talaga.
Mababasa natin na ipinagdiwang din ng mga tao ang pagdating ng Tagapagligtas, kahit hindi sa saktong araw kung kailan Siya dumating. Simeon and Anna celebrated Christโs birth when He was presented in the temple (Lk 2:22โ38). According to Jewish tradition, a child is presented 40 days after the birth (Lev 12:1-4). The wise men, or the Magi, still celebrated Christโs birth, though it took them around two years before they came to visit (Matt 2:16). Para sa kanila, hindi naman importante ang saktong araw, ang mahalaga dumating na ang Tagapagligtas.
๐ช๐ต๐ฎ๐ ๐ถ๐ณ ๐ด๐๐๐๐ผ ๐ธ๐ผ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฐ๐ฒ๐น๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ ๐๐ฎ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐๐ฒ?
Eh di go! Kayalang wala ka namang kasabay. Kung mayroon man, baka 'yung group/ church/ denomination ninyo lang. Wala rin namang masama kung some other date ninyo pinili, kasi kahit anumang date eh hindi rin naman sigurado talaga. Ang mali lang kung ico-condemn mo ang ibang believer sa date na pinili rin nila.
Wala rin namang mali na piliin ang December 25, not to mention na ang date ay already accepted na ng majority ever since kahit hindi naman natin sigurado kung tama ba. Kasi kung iisipin, hindi naman nating alam lahat ngayon kung kailan talaga, which means, hindi natin masasara ang posibilidad na December 25 ang exact date or at least malapit sa saktong date or malayo sa original date...anyway, it doesn't even matter. Sanay na rin naman ang lahat sa ganitong petsa. Whatever the case, the birth of the Savior is worth celebrating. Stay Curious!
๐ฆ๐ผ๐๐ฟ๐ฐ๐ฒ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ถ๐ฒ๐:
Humphreys, C. (1999). โThe Census.โ In P. Alexander and D. Alexander (Eds). ๐๐ฉ๐ฆ ๐๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐ข๐ฏ๐ฅ๐ฃ๐ฐ๐ฐ๐ฌ ๐ต๐ฐ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ช๐ฃ๐ญ๐ฆ. OMFLit
McGowan,A. (2024, July 13). โ๐๐ฐ๐ธ ๐๐ฆ๐ค๐ฆ๐ฎ๐ฃ๐ฆ๐ณ 25 ๐๐ฆ๐ค๐ข๐ฎ๐ฆ ๐๐ฉ๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฎ๐ข๐ด.โ Biblical Archeology Society. Retrieved from https://www.biblicalarchaeology.org/daily/people-cultures-in-the-bible/jesus-historical-jesus/how-december-25-became-christmas/
Gibson, D. (1965). โ๐๐ฉ๐ฆ ๐๐ข๐ต๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐๐ฉ๐ณ๐ช๐ด๐ตโ๐ด ๐๐ช๐ณ๐ต๐ฉ.โ Nabataea. Net. Retrieved from https://nabataea.net/explore/biblical_studies/biblicalhistory/the-date-of-christs-birth/