14/12/2024
|| Sama-samang ipinagdiwang ng mga miyembro ng Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa iba't ibang bayan sa lalawigan ang natatanging kontribusyon at sakripisyo ng mga OFWs sa isinagawang Provincial-wide OFW Family Day nitong Disyembre 11, 2024, kung saan kasama ang kanilang pamilya ay nag-enjoy ang mga ito sa pa-raffle, yells at Christmas carol competition ng pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA, katuwang ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) XII.
Personal namang dumalo sa aktibidad si Kabacan Municipal Mayor Evangeline Guzman na nagpaabot ng pasasalamat sa mga tinaguriang "modern day heroes" dahil sa patuloy nitong pagpupursige sa paghahanapbuhay sa kabila ng kanilang malayong distansya sa mga mahal sa buhay. Bumisita din dito si Ella Taliño TARAY bilang kinatawan ni Gov. Mendoza na ibinahagi ang mga pagsisikap ng kapitolyo upang mapabuti ang kapakanan ng mga dati at kasalukuyang OFWs at maproteksyunan ang kanilang mga karapatan.
Ang aktibidad ay idinaos sa Municipal Gymnasium ng bayan ng Kabacan, na dinaluhan rin ni OWWA XII PSD Chief Kristine Marie Sison at Municipal OFW Desk Officers.//idcd-pgo-mombay/PhotobyProvincialPESO//