Joyfm.tv Kidapawan

  • Home
  • Joyfm.tv Kidapawan

Joyfm.tv Kidapawan Latest news and update

28/11/2025

Kasalukuyang ganap:

Inihahatid ngayon ni Cotabato Lala Taliño Mendoza ang kanyang state of Children report.

28/11/2025

Kasalukuyang ganap
State of Children report ni Cotabato Gov. Lala Taliño Mendoza

21/11/2025
21/11/2025

Kasalukuyang ganap, 6th Enhanced Justice on Wheels-Cotabato Legal Access Program (EJOW-CLAP) sa Provincial Capitol.

Sa kanyang pahayag binigyang diin ni Cotabato Gov. Lala Taliño Mendoza ang programa ay magbibigay ng panibagong pag-asa sa mga Persons Deprived of Liberty o PDL

ALAMADA, COTABATO MAYOR SACDALAN AT ILANG BARANGAY CHAIRMAN PINASISIBAK SA PWESTO NG OMBUDSMAN.PINASISIBAK sa puwesto ng...
19/11/2025

ALAMADA, COTABATO MAYOR SACDALAN AT ILANG BARANGAY CHAIRMAN PINASISIBAK SA PWESTO NG OMBUDSMAN.

PINASISIBAK sa puwesto ng Ombudsman si Alamada, Cotabato Mayor Jesus Susing Sacdalan kasama ang ilang mga Barangay Chairman matapos kinakitaan ng probable cause sa kasong Grave Misconduct at Conduct Prejudicial to the Best Interest of Service na isinampa ni Cotabato Governor Lala Talino Mendoza.

Sa inilabas na resolusyon, nakitaan si Sacdalan ng paglabag matapos umano siyang magbigay ng permiso para sa pagtatayo ng hydropower plant sa isang protected area, partikular sa Libungan River Watershed Forest Reserve.

Kasama sa kaparusahan ang dismissal from service, permanenteng diskwalipikasyon sa muling pag-appoint sa gobyerno, pagkakaltas ng retirement benefits, at iba pang accessory penalties.

Samantala, wala pang inilabas na pahayag ang kampo ni Sacdalan at ilang mga respondents sa naturang desisyon.

24/10/2025

Apat na stalls kabilang ang bogeda ng isang hardware ang nasunog kanina sa alim St. Kidapawan City

BREAKING:  tsunami warning agad inilabas ng Philippine Volcanology and Seismology kasunod ng naitalang magnitude 6.9 na ...
10/10/2025

BREAKING: tsunami warning agad inilabas ng Philippine Volcanology and Seismology kasunod ng naitalang magnitude 6.9 na lindol sa katubigang sakop ng Manay, Davao Oriental nitong 7:12 p.m. ngayong Biyernes, Oktubre 10, 2025,

Naramdaman ang lindol sa sumusunod na lugar:
Intensity IV - Davao City; Bislig City, Surigao del Norte

Narito ang instrumental intensities:
Intensity IV - Magpet, Cotabato; Davao City, Digos City, Davao del Sur; Sta. Maria, Davao Occidental; Nabunturan, Davao de Oro; Gingoog City, Misamis Oriental; Malungon, Alabel, Sarangani; Tupi, South Cotabato; Hinunangan, Southern Leyte

Ang aftershocks ay inaasahan magdudulot ngmga pinsala.

Maraming kalsada sa bayan ng Manay Davao Oriental ang di madanan dahil sa land slide at maraming Bahay ang nasira dahil ...
10/10/2025

Maraming kalsada sa bayan ng Manay Davao Oriental ang di madanan dahil sa land slide at maraming Bahay ang nasira dahil sa 7.6 magnitude na lindol kanina.

Ctto: Atty. Israelito Torreon

Ilang Bahay sa bahagi ng Topaz Street sa Davao City  ang nasira kasunod magnitude 7.6 earthquake kanina.Dahil Dito asaha...
10/10/2025

Ilang Bahay sa bahagi ng Topaz Street sa Davao City ang nasira kasunod magnitude 7.6 earthquake kanina.

Dahil Dito asahan ang malawak at malaking pinsala dulot ng pagyanig.

Ctto.

Tsunami warning agad na ilabas ng Philippine Volcanology and Seismology kasunod ng 7.6 magnitude na lindol na tumama sa ...
10/10/2025

Tsunami warning agad na ilabas ng Philippine Volcanology and Seismology kasunod ng 7.6 magnitude na lindol na tumama sa Manay Davao Oriental.

Dahil sa takot ilang estudyante ng Kidapawan City National high school ang nawalan ng Malay ng maranasan ang malakas na ...
10/10/2025

Dahil sa takot ilang estudyante ng Kidapawan City National high school ang nawalan ng Malay ng maranasan ang malakas na lindol pasado alas nueve ng umaga kanina.

Agad namang nasaklolohan ng City Disaster Risk Resection Management Office ang mga biktima at dinala sa hospital.

Nabatid tumama ang 7.6 magnitude na lindol kung saan ayon sa Philippine Volcanology and Seismology sa bayan ng Manay Davao Oriental ang epicenter ng pagyanig.

Update: Dead on arrival sa hospital angBatang lalaki na estudyante ng mahad  matapos nabundol ng Nissan navarra pick up ...
27/09/2025

Update: Dead on arrival sa hospital ang
Batang lalaki na estudyante ng mahad matapos nabundol ng Nissan navarra pick up truck habang tumatawid sa pedestrian lane sa west Patadon boundary ng bayan ng Matalam at Kidapawan City kaninang umaga.

Ayon kay Matalam Chief Of Police Lt. Col. Mylene Estrella nasa custody nila ang nakabundol na sasakyan at ang driver into.

Ayon sa saksi kasama ng biktimang may apelyedong Mundas ang isa pang Batang lalaki na tumatawid sa daan at maswerte itong naka-iwas.

Nagpapatuloy pa ang investigation ng Matalam at Kidapawan City PNP

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Joyfm.tv Kidapawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Joyfm.tv Kidapawan:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share