04/06/2025
READ || Reclusion perpetua ang hatol ng korte kay Ronces Paragoso, alyas "Ka Aiza" sa kasong rebellion
Hinatulang guilty beyond reasonable doubt ng korte si Ronces Paragoso, alyas โKa Aiza,โ bilang co-principal sa kasong rebellion sa ilalim ng Article 135 ng Revised Penal Code na naamyendahan ng Republic Act No. 6968. Ang hatol sa kanya ay reclusion perpetua at lahat ng accessory penalties nito.
Ayon sa desisyon ng korte, hindi lamang siya nagpropaganda ng komunismo sa Palawan kundi naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga aktibidad ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) at Kabataang Makabayan. Malinaw umanong nailahad sa pagdinig ng kaso na si Paragoso ay nagre-recruit ng mga bagong miyembro para sa armadong kilusan at nagdirekta ng mga pag-atake laban sa mga "duly constituted authorities."
Samantala, tatlo pa ang hinatulang guilty noong December 12 na sina Joemelito Tanilon na kilala bilang "Ka Tangkad", Bener Rimbunan o "Ka Bata," at Awing Lumpat na tinatawag ding "Ka Gitna" ang hinatulan ng reclusion perpetua o 40 taong pagkakabilanggo kaugnay ng dalawang kasong kriminal sa ilalim ng Republic Act 9516.
Ang mga kaso ay kaugnay ng paglabag sa Section 1 (Unlawful Manufacture, Sales, Acquisition, Disposition, Importation or Possession of an Explosive or Incendiary Device) at Section 2 (Unlawful Manufacture, Sales, Acquisition, Disposition, Importation or Possession of a Part, Ingredient, Machinery, Tool or Instrument Used or Intended to be Used for the Manufacture, Construction, Assembly, Delivery or Detonation) ng RA 9516.
Matatandaan na kasama sila sa pitong miyembro ng NPA na naaresto noong October 4, 2019, sa National Road sa Barangay San Jose, Puerto Princesa City. Ang ilan pa ay sina Glendyl Malabanan (alyas Ka Meldy, Marjo, Michelle, at Roxanne," Antonio Molina (alyas Domingo Ritas, at Ka Tino) na nasawi dahil sa cancer, at si Jenny Ann Bautista, (alyas Ka Maron, Helen, at Nada).
Patungo sana sila sa southern Palawan mula sa San Vicente ng ma-checkpoint sa San Jose bandang 11 p.m. ng mga pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar.