11/06/2025
PALIWANAG NG BOTO
Sen. Robinhood C. Padilla
Pag-amyenda sa R.A. 9997 (NCMF Act of 2009)
Ikatlong Pagbasa – Hunyo 9, 2025
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
Ako po ay buong puso bumoto ng OO sa panukalang nag-aamyenda sa Republic Act No. 9997, ang batas na lumilikha sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF). Isa ito sa mga panukalang pinakamalapit sa puso ko—dahil hindi lang ito papel, kundi tulay para sa mas pantay, mas abot-kayang serbisyo ng gobyerno para sa mga kapatid nating Muslim.
Dahil sa panukalang ito, magkakaroon ng mas maayos at digital na paraan ng pagsumite ng mga dokumento tulad ng birth, marriage, at death certificates sa Shari’a courts. Magsisilbi itong tulong lalo na sa mga Muslim na nasa malalayong lugar. Magkakaroon din ng public-private partnerships at dagdag na legal personnel na itatalaga mismo ng NCMF para mas mapabilis ang proseso ng hustisya.
Kasama rin dito ang paglikha ng digital platform sa tulong ng DICT at Korte Suprema, at pagbuo ng mas malinaw na datos tungkol sa populasyon ng Muslim Filipinos sa tulong ng PSA. Sa madaling salita, ang panukalang ito ay hakbang para sa inklusibong gobyerno—isang gobyernong hindi nakakalimot sa sinumang sektor.
Maraming salamat sa mga kapwa ko Senador na tumulong sa panukalang ito—Senators Win Gatchalian, Joel Villanueva, Ronald “Bato” Dela Rosa, Loren Legarda, Ramon “Bong” Revilla Jr., JV Ejercito, at Raffy Tulfo.
At higit sa lahat, isang taos-pusong pasasalamat sa mga kinatawan sa Kamara na buong giting na isinulong ang House counterpart ng panukalang ito:
Cong. Mohamad Khalid Q. Dimaporo, Cong. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Cong. Wilter Y. Palma, Cong. Mujiv S. Hataman, Cong. Munir N. Arbison Jr., Cong. Bai Dimple I. Mastura, Cong. Sittie Aminah Q. Dimaporo, Cong. Princess Rihan M. Sakaluran, Cong. JC Abalos, Cong. Zia Alonto Adiong, Cong. Yasser Alonto Balindong, Cong. Dimszar M. Sali, at Cong. Mohamad P. Paglas.
Bilang isang Muslim at isang mambabatas, ito ay panata ko: ang katarungan ay para sa lahat—hindi lang para sa may akses, kundi para sa bawat Pilipinong naghahangad ng patas na pagtrato. Kaya YES po ang boto ko.