01/02/2025
BATANG LALAKI SA PASIG CITY, NASUNOG ANG ILONG AT ITAAS NA BAHAGI NG LABI DAHIL SA…WET WIPES?!
“Habang nagba-browse ako online, nakita ko ‘tong wet wipes sa isang online shop.
Maganda ang reviews!
Since out of stock ‘yung dati kong ginagamit, naisipan kong i-try ‘yung bagong brand na ‘to.
Sabi sa description, good for sensitive skin.
Puwede raw gamitin sa mukha, kamay at kahit sa mga baby.
Nag-check out ako agad at nag-order ng lima sa halagang 179 pesos.
Nu’ng umuwi ‘yung anak ko galing daycare, may sipon daw sabi ng teacher niya.
‘Yun ‘yung unang bese na ginamit ‘yun ng anak ko.
Kinakahapunan nu’ng araw na ‘yun, tumawag ang Nanay ko, umiiyak na raw ang anak ko.
Sobrang p**a ng ng balat sa mukha!
May lagnat na rin siya noon!
Kaya itinakbo na po namin siya sa ospital.
Sabi ng doktor, parang nasunog ‘yung balat niya.
Hindi lang normal na gasgas.
Maaari raw dahilan nito, posibleng na-iritate ang skin niya.
Dati naman, hindi siya nagkakaganito sa ibang wipes na ginagamit namin.
Ngayon, hirap siyang kumain at magsalita kasi parang mahapdi ‘yung balat niya.
Bilang magulang, sobrang bigat sa loob ko.
Ang pinaka-worry ko ngayon, baka hindi na bumalik sa dati ‘yung balat niya.”
-Karla, nanay ng batang nasunog ang balat dahil as wet wipes
PERO WET WIPES NGA BA ANG DAHILAN O MAY IBANG SANHI ANG NANGYARI SA PASLIT?
CCTO: