Philippines now

Philippines now Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Philippines now, Digital creator, Polomolok.
(1)

BAM AQUINO, GINUNITA SI NINOY SA IKA-43 ANIBERSARYO NG KANYANG KAM*TAYANGinunita ni Sen. Bam Aquino ang kanyang tiyuhing...
21/08/2026

BAM AQUINO, GINUNITA SI NINOY SA IKA-43 ANIBERSARYO NG KANYANG KAM*TAYAN

Ginunita ni Sen. Bam Aquino ang kanyang tiyuhing si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa ika-43 anibersaryo ng pagkamatay nito ngayong Agosto 21.

Ayon kay Bam, hindi nawalan ng pag-asa si Ninoy sa mga Pilipino kahit sa pinakamadilim na yugto ng kanyang buhay.

“Sa mga pinakamadilim na panahon ng kanyang buhay, nang mawala ang kanyang kalayaan at walang kasiguraduhan ang kanyang kinabukasan, hindi siya nawalan ng pag-asa sa mga Pilipino,” saad niya.

Dagdag pa ng senador, “Ang kanyang tapang at pagmamahal sa bayan ay patuloy na paalala na karapat-dapat mahalin at ipaglaban ang Pilipinas.”

Pinaslang si Ninoy noong Agosto 21, 1983 matapos bumalik sa Pilipinas mula sa Estados Unidos.

'HINDI KA NA NAAWA SA MGA KABABAYAN NATIN'Naglabas ng matapang na pahayag si Walter Manalansan, dating bodyguard ni Zald...
20/08/2026

'HINDI KA NA NAAWA SA MGA KABABAYAN NATIN'

Naglabas ng matapang na pahayag si Walter Manalansan, dating bodyguard ni Zaldy Co, laban sa kanyang dating kasamahan na si Orly Guteza, isang retiradong Marino at dating bodyguard rin ni Co, matapos i-recant ni Guteza ang nauna nitong sinumpaang salaysay.

“Halata na scripted ang sinasabi mo, Orly Guteza. Kung nagsasabi ka ng totoo, bakit kailangan mo pang basahin ang sasabihin mo?” ani Manalansan.

Kinuwestiyon din niya ang umano’y kawalan ng malasakit ni Guteza sa mga kababayang patuloy na apektado ng pagbaha.

Sa huli, iginiit ni Manalansan na mananaig pa rin umano ang katotohanan sa kabila ng pag-recant ni Guteza at apat pa nitong dating kasamahan.

“Hindi natutulog ang Diyos, mananaig pa rin ang katotohanan, pinagtaksilan ninyo ang sambayanan, hindi ninyo maloloko ang taong bayan,” giit niya.

ORLY GUTEZA, SINABING INUTUSAN UMANO SIYA NINA MARCOLETA AT DEFENSOR PARA SIRAAN SI ROMUALDEZMatapos ang ilang buwan na ...
19/08/2026

ORLY GUTEZA, SINABING INUTUSAN UMANO SIYA NINA MARCOLETA AT DEFENSOR PARA SIRAAN SI ROMUALDEZ

Matapos ang ilang buwan na pagtatago ay lumitaw muli sa publiko ang nagpakilalang marine na si Orly Guteza upang bawiin ang kanyang mga salaysay laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Sa isang pahayag, sinabi ni Guteza na noong Septyembre 24, 2025 ay inatasan siya umano ni Senador Rodante Marcoleta at dating Rep. Mike Defensor na ituro si Romualdez bilang isa sa mga pinadalhan nito ng 'maleta' na may lamang salapi.

Mismong sila Marcoleta at Defensor umano ang gumawa ng affidavit kasama ang son-in-law ng dating mambabatas na si Mark.

“Sinimulan na ni Senator Marcoleta basahin ang ginawa ni Mark na affidavit basi sa sinabi ni�former Cong. Mike Defensor. Sabi niya, ‘Pare, ayusin ko ang Tagalog.’ Doon mismo sa harapan ko," ani Guteza.

Ayon kay Guteza ay naakit siya sa alok ni Defensor na libreng scholarship na magagamit ng kanyang anak.

“Ako ay napilitanan sabihin para sa kanya, ‘sige po sir’, kung ito ang paraan makatulong ako. Kaya lang inalala ko pag-aaral ng anak ko, nag-promise ng cash at education scholarship si former congressman Mike Defensor,” aniya.

"Ang pamimilit sa akin nina Sen. Marcoleta at Former Congressman Mike Defensor na ikinatakot ko kaya napaniniwala nila ako sa mapanlinlang na salita para gamitin sa pansarili nilang kapakanan," dagdag pa niya.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Romualdez sa pagbawi ni Guteza ng pahayag nito.

BAM AQUINO: HINDI PAPAYAG NA MAULIT ANG TRAHEDYA SA ATENEO DE ZAMBOANGANagpahayag ng pakikiramay si Senador Bam Aquino s...
19/08/2026

BAM AQUINO: HINDI PAPAYAG NA MAULIT ANG TRAHEDYA SA ATENEO DE ZAMBOANGA

Nagpahayag ng pakikiramay si Senador Bam Aquino sa mga pamilya ng dalawang nasawi sa pamamaril na naganap sa Ateneo de Zamboanga University noong Martes, Agosto 18.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ng senador ang bigat ng sinapit ng mga biktima at ng buong komunidad na naapektuhan ng insidente.

Aniya, mas masakit itong tanggapin para sa mga magulang dahil ang paaralan ay dapat maging lugar ng paghubog ng mga pangarap at kinabukasan ng mga kabataan, hindi ng takot at karahasan.

Nakiramay rin si Aquino sa mga kaanak at kaibigan ng mga nasawi, gayundin sa iba pang naapektuhan ng trahedya.

Kasabay nito, nangako ang senador na susuportahan ang mga hakbang na makatutulong upang hindi na maulit ang katulad na insidente.

“At gagawin natin ang lahat na hindi na ito maulit muli,” ayon kay Aquino.

Patuloy namang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon kaugnay ng pamamaril habang nananawagan ang iba’t ibang sektor ng mas mahigpit na mga hakbang para sa kaligtasan sa loob ng mga paaralan.

REMULLA, SINABING BIKTIMA RIN ANG NASA LIKOD NG TRAHEDYA SA ATENEO DE ZAMBOANGANaniniwala si Department of Interior and ...
18/08/2026

REMULLA, SINABING BIKTIMA RIN ANG NASA LIKOD NG TRAHEDYA SA ATENEO DE ZAMBOANGA

Naniniwala si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na maituturing din na biktima ang suspek na nagpaulan ng bala sa loob ng Ateneo de Zamboanga ngayong Agosto 18, 2026.

Sa isang panayam, sinabi ni Remulla na ang suspek ay isang Grade 9 student nasawi rin matapos tumalon sa ikalimang palapag ng paaralan.

“We’re all heartbroken for the families," ani Remulla. “We assure the public that we’re on top of this and we will do all corrective measures para hindi na maulit,"

Ayon pa kay Remulla ay inatasan niya na ang mga otoridad na tignan ang online history ng suspek upang malaman kung may kinalaman ba sa mga aktibidad nito sa internet ang desisyon nito.

TINGEN NGA NG PAG-IYAK Inamin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naiiyak siya kapag nakikita ang paghihirap...
17/08/2026

TINGEN NGA NG PAG-IYAK

Inamin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naiiyak siya kapag nakikita ang paghihirap na patuloy na nararanasan ng maraming Pilipino.

Sa isang panayam na orihinal na ibinahagi noong Setyembre 2025, tinanong ang Pangulo kung naiiyak ba siya dahil sa sitwasyon ng bansa.

“Yes. Because I’m very upset,” tugon ni Marcos.

Ipinaliwanag niyang masakit para sa kanya na makitang nahihirapan ang mga taong kanyang pinaglilingkuran, lalo na’t hindi naman umano nila nararapat pagdaanan ang ganoong sitwasyon.

“No, because I see people having a hard time. And they don’t deserve it. Mabuti kung masamang tao ’yan, dapat parusahan. Hindi naman,” dagdag niya.

Muling nababalikan ang pahayag ng Pangulo sa gitna ng mga usapin tungkol sa mataas na gastusin, kalamidad at iba pang suliraning patuloy na kinakaharap ng mga pamilyang Pilipino.

"ANONG KLASENG BANSA 'PAG ITO NA 'YUNG UGALI NATIN?"Ito ang direktang binitawan ni Senador Risa Hontiveros sa isang pana...
17/08/2026

"ANONG KLASENG BANSA 'PAG ITO NA 'YUNG UGALI NATIN?"

Ito ang direktang binitawan ni Senador Risa Hontiveros sa isang panayam noong Marso 2026 kung saan nadismaya siya sa umano'y nangyayari sa Pilipinas dahil sa ilang Pilipinong pinagtatawanan umano ang EJK kapag ito ay pinag-uusapan na.

"Kapag 'yong usapin ay 'yong (EJK) and then mini-minimize or pinagtatawanan... Anong klaseng mga tao magiging tayo? Anong klaseng bansa 'pag ito na 'yong ugali natin." ani Hontiveros (bilang pagbabalik-tanaw sa ika-siyam na taong paggunita sa kaso ni Kian Delos Santos.)

Matatandaang isa sa umano'y EJK victims na si Kian Delos Santos ang nakakuha ng iba't ibang reaksyon mula sa netizen.

Ang batas ay para sa lahat, anuman ang pangalan, posisyon, o katayuan sa lipunan. ⚖️👮‍♂️Sa pagpapatupad nito, mahalaga a...
17/08/2026

Ang batas ay para sa lahat, anuman ang pangalan, posisyon, o katayuan sa lipunan. ⚖️👮‍♂️

Sa pagpapatupad nito, mahalaga ang patas at pare-parehong pananagutan. Ito ang prinsipyong ipinakita ni former PNP Chief Nicolas Torre III sa kanyang pamumuno—trabaho at tungkulin ang inuuna, walang espesyal na pagtrato.

©️ Pag-asa ng Pulisya Original Content

11/08/2026

2027 PROPOSED NEP

Pormal nang isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso ang panukalang ₱7.2-trillion proposed national budget sa 2027—na mas mataas ng 6% sa pambansang pondo ngayong taon.

via Cresilyn Catarong

'GALING SA IBANG LUGAR'Nagbigay ng reaksiyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa toneladang basurang halos b...
11/08/2026

'GALING SA IBANG LUGAR'

Nagbigay ng reaksiyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa toneladang basurang halos bumara at pumuno sa isang kanal sa Baclaran, Parañaque City.

“Isa pang issue na nakita natin ‘yung nagpabaha diyan sa Parañaque lalo ay ‘yung nagpabara ang basura. Nakita ninyo ‘yung mga picture na punong-puno ‘yung kanal, punong-puno ng basura na hindi naman galing sa Parañaque, galing sa ibang lugar ‘yun,” ani ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na nakadagdag sa problema ang high tide, na naging dahilan upang maipit ang mga basurang bumara sa mga kanal.

Nanawagan naman siya sa mga local government unit at publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura.

Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na itutuloy ng pamahalaan ang waste-to-energy program, kung saan ipoproseso ang basura upang gawing kuryente.

Address

Polomolok

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Philippines now posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Philippines now:

Shortcuts

Share